Chapter 12

33 3 0
                                    

Chapter 12

Friends


I was very much sated at his statement. I can consider it as melody to me. Ibig sabihin, napaniwala ko siyang malinis ang intensyon ko. Ibig sabihin, magtatagumpay ako sa plano ko!

My life literally changed after that day. Simula noon, kasabay ko siya at kasama ang mga kaibigan niya sa pagpasok sa school. Sa table na rin nila ako laging tumatambay tuwing break time namin at lagi na rin kaming sabay na umuwi.

Mabilis ang mga pagbabago ng ganap sa buhay ko dahil sa kan'ya. Mas lalo napalapit ang lahat sa akin at mas marami nang pumapansin. Syempre, no'ng una nagtataka sila at nang-aasar pa pero habang tumatagal ay nasanay na rin ang lahat na lagi akong kasama sa grupo nila.

Gradually, I get to know who he is. Napag-alaman ko kung anong klaseng mundo ang umiikot sa kan'ya. His world is full of colors. It radiants. And I didn't wonder anymore why people loves to be in his world. Kuha niya ang kiliti ng lahat.

But, hey, people loves to be with me too! Pero hindi pa rin ako satisfied doon. Ang gusto ko kasi, ako lang. Sa akin ang lahat ng atensyon. Sa akin sasayangin ang oras at ako lang dapat ang laging iisipin.

At sisiguraduhin kong madudurog ko ang puso ng golden boy nila. With his broken heart, he will be busy picking up his shatters that will forget about his studies. Iyon ang plano ko. Hindi naman siya mahirap, kailangan lang ng time para kunin ang loob at tiwala niya sa akin. I will make him fall for me!

And he's not that hard to get. Mabilis siyang magbigay ng tiwala sa lahat at malambot ang puso niya. Napansin ko rin, he have a soft spot for me. No'ng ilang linggo pa lang kaming magkasama, na-attached na agad siya sa 'kin...

"Kita tayo bukas, ha?"

Papasok na ako ng bahay nang bigla na lang nagsalita ulit si Zeus. Nasa labas sila ng gate at umaamba na paalis. Galing kami sa harap ng parke. Nag-food trip at tumambay muna doon saglit habang nanonood ng laro.

I rolled my eyes before I turned around again to answer him.

"Sure! Sure!" I smiled at him.

He waved at me before he continued walking with his friends. Pinanood ko silang naglalakad palayo. Umismid ako sa huli at inikot muli ang mga mata.

"Buffoons..." I mumbled.

Tinalikuran ko na sila at inabot ang hawakan ng pintuan para tuluyang pumasok. Pero natigilan ako nang makitang nakaawang na pala ang pinto at nakadungaw doon si ate Evergreen. Nagtataka siyang nakatingin sa 'kin.

"Ano daw?" Nakakunot niyang tanong. Napalunok naman ako at natigilan dahil hindi ko inaasahan ang presenya niya.

"A-ate! Kanina ka pa diyan?" Gulat kong sabi sa kan'ya.

She shrugged.

"Siguro..." binuksan niya ng tuluyan ang pintuan at sinenyasan akong pumasok na. Tahimik naman akong sumunod.

I pressed my lips together. Tinanggal ko muna 'yong sapatos ko bago pumasok nang tuluyan habang bitbit 'yon.

"Bakit ngayon ka lang naka-uwi?" Ani ate habang nakasilip sa wristwatch niya. Ala sais na yata dahil medyo madilim na ang labas ngayon.

"Gumawa pa kasi kami ng report, ate." Walang kahirap-hirap kong sagot.

"Gano'n? Puwede namang bukas na lang. Sabado naman na kinabukasan." Kumunot ulit ang noo niya.

Hindi ko siya nilingon at diretso lang ako sa paglalakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa 'kin. Pagdaan sa sala ay naabutan ko si Auntie na gumagawa ng lesson plan sa sofa at si Iva na panay na naman ang pindot sa cellphone niya.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora