Chapter 5

60 4 0
                                    

Chapter 5

Reign


Today is a very special day to me. Unang araw ko ito ng pasukan namin at na-e-excite ako na parang kinakabahan. Hindi nga ako mapakali sa kuwarto ko dahil sa nararamdaman. Hindi pa ako nakatulog ng maayos kagabi dahil ang laman ng buong isip ko ay ang mangyayari sa 'kin mamaya sa school.

Magugustuhan kaya nila ako? Magiging sikat ba ako do'n?

"Good morning, K!" Elle exclaimed. She happily spun her phone. Malaki ang ngiti niya na parang ang ganda ng bungad nang araw sa kan'ya ngayon.

"Happy, happy birthday, Bae! I hope you'll have the best times on your new school today. I love you, K..." mensahe niya. Kita ko naman sa mga mata niya na sincere siya sa lahat ng mga salitang binitawan niya.

I can't help but smile. It's my birthday today too. But it doesn't need any celebration. It's not that important. I don't require telling it to everyone also.

"Thank you, Reel. Ikaw rin... I hope you're doing well there..." malapad ang ngiti kong tugon. She smiled more and gave me an assured smile.

"Oh my gosh! I can't wait to take a sip on you tea later..." she gasped.

I smirked. "I'll tell you everything, syempre." Tumawa ako ng bahagya.

Magkausap naman kami habang ginagawa ang routine naming dalawa. Medyo late akong nagising ngayon. Pero hindi naman hassle kasi na-ready ko na kagabi ang lahat ng gamit ko sa araw na 'to. I made it easy para mabilis lang akong makarating sa school kahit pa malate. Mabilis naman akong kumilos, eh.

Humagikhik ako sa harap ng salamin habang tinitingnan ang repleksyon ko roon. My face is bare but I still looked like I wore something. Mala-rosas pa rin ang kulay ng labi ko at pisngi.

Grabe. Ang ganda ko talaga!

Nakasuot pa lang ako ng towel dahil kakatapos ko lang maligo. Nilingon ko ang phone ko at pinagmasdan ang kaibigan sa kabilang linya na abala rin sa pag-aayos. She's humming a familiar song while brushing her hair.

Tumungo ako sa ako sa closet at binuksan 'yon. Nilabas ko na ang hinandang susuoting damit ngayong araw. I won't wear my uniform today kasi 'di pa daw tapos ang pagtatahi no'n. I just wore a white shirt na pinatungan ng puting jumper dress. I braided my long wavy hair. Naglagay din ako ng liptint sa pisngi at labi ko para mas pumula pa.

Simple naman at parang walang nagbago pero sigurado akong mapapahanga ko ang lahat sa school nang ito lang ang suot ko.

Maya-maya ay nakarinig na ako ng busina galing sa labas na sinabayan naman ng katok sa pinto ng kuwarto ko.

"Coming!" Sagot ko habang isa-isang sinikop ang mga gamit ko.

Patakbo akong bumaba ng hagdan. Sa sala naman ay naabutan ko si auntie Bettina na naghahanda na ring umalis.

"Tisay!" She greeted me.

I went to her.

"Auntie, aalis na po ako..." paalam ko.

Lumabas din ng mga ilang segundo si Aling Noleng sa loob ng kusina at binati rin ako. Kasunod ang dalawang magkapatid na naka-ayos na rin gaya ko. Kinawayan ko sila at nagpaalam.

"Mag-ingat ka, ha." Parehong bilin ng dalawang matanda sa 'kin.

"See you na lang sa school, Tisay..." sabi ni ate Ever at ngumiti.

Tinanguan ko sila at hindi na rin nagtagal pa sa loob. I waved at them for the last time before I went of the house. Saktong paglabas ko ay bumukas ang itim na SUV sa harap ng bakuran namin. Bumungad sa akin ang malapad na ngiti ni Chesley.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Where stories live. Discover now