Chapter 4

66 5 0
                                    

Chapter 4

Stranger


Indeed, late na nga kami. Pagdating namin sa bistro ay kumpleto na ang lahat maliban lang sa aming tatlo. Naabutan na lang namin silang nakaupo at nagtatawanan sa labas na table ng bistro.

Escarra Bistro is surrounded with lights outside and with the mellow music in background. Moderno ang disenyo nito at kita ang lahat sa loob dahil halos salamin lang ang mga dingding. Maraming mga tao sa loob pero hindi naman dinig ang ingay nila.

Bumaba kami ni Chesley nang sasakyan at agad na tumungo sa kanila. Nahanap ko naman ikalawang mesa si Eula. Kasama niya si Vance at isa pang babae na kayakap si Eula. Masinsinang nag-uusap ang dalawa. Ngayon ko lang nakita 'yong babae pero tingin ko siya 'yong best friend ni Eula na tinutukoy nina Chesley noon.

Kaunti lang naman sila, eh. Pito lang yata. Akala ko naman madami talaga.

"Hi! We're here!" Pakantang bungad ni Ches para kunin ang atensyon nila.

Mabilis namang lumingon ang lahat sa direksyon namin. Tumigil ng kaunti ang tawanan mula sa kanila. I smiled at them and waved my hands too. Lumapit ako kay Eula.

"Happy Birthday, Eula!" I smiled at her sweetly.

Tumikhim 'yong katabi niya kaya nilingon ko ito. My eyes lingered at her for a while.

"Thank you! Akala ko 'di ka pupunta-" tatayo sana siya pero napansin kong pinigilan siya ng kaibigan niya.

"Na-late lang..." sagot ko pagkaraan ng ilang segundo.

She smiled at me hesitantly.

"Uh... upo ka, Tisay! Ches! Dito, oh..." tinuro niya ang dalawang magkatabing bakanteng upuan sa table nila.

Samantala, sa kabilang mesa naman pumwesto si Thaddeus. 'Yong may mga lalaki. May kasama rin silang babae na tingin ko girlfriends nang dalawa. Umupo naman kami ni Chesley sa tinuro ni Eula.

"Uhm, Tisay... si Loren. Kaibigan ko." tukoy niya sa katabi niya habang tinuturo ito. "Si Tisay, Loren. Childhood friend namin..."

I looked at the girl and smiled at her. But she didn't bother to return it. She just nodded her head at yumuko para magpatuloy sa pagkain. Mahiyan? O baka isa rin sa mga insecure sa akin? Hmm...

Binalik ko naman agad atensyon kay Eula.

"Ito," aniya at nilagay ang kamay sa harap ng isa niya pang katabi na abalang-abala na naman sa pagkain.

"Si Van." Tumawa pa siya.

Nilingon ko naman ang lalaki at nginisian ito.

"Oh. Hi! You look nice tonight." I kidded. I almost winced at his face.

"Hello, din. Busy ako, mamaya na." He replied and continued eating his food.

"Ito, Kur. Tikman mo, dali! Masarap-" si Chesley at tinuro ang pizza.

"Malamang!" Sabad ni Vance. "Mangyan ka ba?"

Nag-kuwentuhan na kami. Pinakilala naman sa akin nina Eula ang ibang kasamahan nila sa kabilang table. Ang naalala ko lang sa kanila doon ay 'yong kabilang sa circle nina Thaddeus at Vance. 'Yong Alessander.

Lahat kami ay nagkakatuwaan. Maliban lang yata sa kaibigan ni Eula. She looks inattentive. Palagi niyang chini-check ang phone niya at mukhang may hinihintay dahil maya-maya lumilingon sa crosswalk.

"Ang ganda ng crop top mo! Saan mo 'to nabili?" Puna ni Chesley at hinawakan pa 'yong dulo ng damit ko.

"It was a gift from my cousin..." I answered.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Where stories live. Discover now