Chapter 6

58 4 0
                                    

Chapter 6

Feign


"My. Nakita mo ba 'yong reaction ni Loren kanina no'ng inasar namin kayo ni Zeus? Hilarious!" Natatawang sabi ni Chesley habang sinusuklay ang buhok niya.

Sinara ko ang faucet at bahagyang ngumiwi. I looked at her reflection in the mirror. She's smiling devilishly. Hindi man lang kami nagtagal sa canteen. Pagkatapos na pagkatapos naming kumain, hinatak na ako ni Ches paalis doon. Magbabanyo lang daw pero sigurado akong wala na siyang balak na bumalik doon.

Dinamay niya pa ako sa problema niya.

Kasama rin namin si Thaddeus na umalis. Nasa labas siya ngayon dahil bawal ang lalaki sa loob.

Gusto ko sanang manatili pa do'n at humagilap ng mga impormasyon ng lalaki. 'Yong Zeus na 'yon. Top 1 daw nila dito? Tss.

"Feeling niya talaga gusto rin siya ni Zeus. 'Di porket magkaibigan sila..." umirap pa siya sa kawalan.

I sighed.

"So..." I faced her. "You agreed with them only because you want to annoy Loren?" I looked at her in disbelief.

She laughed again.

"Nainis lang kasi talaga ako sa kan'ya! Lalo na no'ng namula siya sa sinabi ni Vance kanina. Sorry though..."

"It's fine. Not that I'd care..." I shrugged it off.

Bigla niya naman akong hinarap ng nakangisi na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Oh? Okay lang din kung uulitin ko?" Sabi niya na parang may masamang balak sa susunod.

"It might give him false hopes though..." sagot ko habang patuloy na inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin.

"Eh?" Ngumiwi siya. "'Di ka ba na-g-guwapuhan sa kan'ya?" Nilapit niya ang mukha sa 'kin.

I laughed at her face. That way, she'll get an answer.

"Eh?! Mataas din ang standard ko pero attractive na para sa 'kin si Zeus!" Aniya at mukhang gulat na gulat. "Ah! Everyone loves not just his handsome face! Matalino si Zeus at favorite ng teachers!"

That almost made me stamp my feet. Talaga? Mas matalino pa sa akin?!

Palihim kong inikot ang mga mata ko. Iniisip lang nila 'yan dahil lalaki siya at guwapo raw! Maghintay lang sila at makikita nila ang lamang ko sa lalaking 'yon...

Suddenly, his face appeared on my mind. 'Yong palakaibigan at totoo niyang ngiti. Nagtatak 'yon sa 'kin. Halos sabunutan ko naman ang sarili ko para lang maalis 'yon sa isip ko.

Disgusting!

"No to romance." I said a bit cold.

"Okay. Sabi mo, eh." Nagkibit balikat na lang siya sa huli at nanahimik na.

Pagkatapos na mag-ayos, umalis naman agad kami sa washroom. Dumiretso na kami JHS Building, 'di na nga kami bumalik sa canteen. Hindi naman ako nag-protesta pa dahil mukhang magandang ideya naman 'yon.

I went to our subject teacher's room only to find out na wala namang pasok. Wala daw 'yong teacher namin sa subject na 'yon kaya gano'n. Tuwang-tuwang naman ang mga bagong dating kong kaklase sa balita.

Nanatili pa rin kami sa classroom dahil iyon daw ang bilin ng guro sa amin. Hindi pa nakakabalik sina Eula.

"Hi, Tisay!" Lumapit sa akin ang tatlong kaklase kong babae.

Ang nakilala ko lang sa kanila ay si Kissy - ito kasi talaga 'yong pinaka-unang lumapit sa akin kanina. 'Yong dalawang kasama niya, sa tingin ko ay 'yong mga best friends niya. Nagpakilala naman sila sa 'kin kaso sa dami nila kanina ay halos nakalimutan ko na.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Where stories live. Discover now