Chapter 18

23 2 0
                                    

Chapter 18

Candidate


"Let's see each other again tomorrow?" Dominik said suggestively.

Inirapan ko naman siya. Naka-park na siya ngayon sa pinagtambayan niya kanina malapit sa bahay nina auntie. 'Di pa ako lumalabas dahil nasa bakuran kasi ngayon si Aling Noleng at medyo nakaharap 'yong katawan niya sa kotse ni Dominik.

Inip kong inaabangan ang bawat kilos ng matanda sa bakuran. Sa bawat segundo ay umaasa ako na papasok na siya sa loob.

"Kurtis." Binaling ko ang inis ko sa lalaki nang tawagin niya ulit ako.

"Hindi ako puwede bukas. Hindi rin ako puwede sa susunod na buong linggo." Mataman kong sabi.

"Why so?" He arched his brow at me.

"Bakit kailangan mo pang malaman." Tinaasan ko rin siya ng kilay.

"At least give me a valid reason?" He shrugged.

"For what?"

He smirked at me. "Because I'm-" hindi ko na siya hinayaang tapusin pa 'yon dahil alam ko kung ano ang isasagot niya sa 'kin.

"Delusional." Pagdugtong ko sa sinabi niya at ngumiwi. Inikot ko ulit ang mga mata ko.

Binalik ko naman ang atensyon ko sa labas at nakahinga agad ako nang maayos no'ng nakitang wala na sa bakuran si Aling Noleng. Mabilis kong binuksan 'yong pinto nang kotse niya at walang pasabing lumabas doon. Hindi ko na 'yon nilingon pa.

I secretly sighed in relief when I realized that no one saw me coming out of his car. Kalmado ako habang naglalakad sa papunta sa gate ng bahay ni Auntie. Maya-maya ay narinig ko naman ang pag-andar nang kotse palayo.

"Tisay?" Bahagya akong nabigla nang namukhaan ko si Aling Noleng na nakatayo sa likod ng malaking puno sa gilid ng bakuran.

Natigil ako sa pagtatangkang isara 'yong gate dahil sa biglang presenya niya. Akala ko ba pumasok na siya? Sinulyapan ko ang hawak niyang walis at dust pan. Naglilinis pala siya sa ilalim ng puno!

"Po?" Tanging sabi ko matapos ang ilang segundo.

"Saan ka galing?" Tanong niya bago sumulyap sa dako kung saan saktong naka-park 'yong kotse ni Dominik kanina!

"Po?" Ulit ko.

"Hindi yata kotse ni Chesley iyon, ah?" Sabi niya kaya mas lalo akong natigilan.

"Iba po kasi 'yong dala niya ngayon..." sabi ko lang.

Napatango naman siya sa huli kaya naginhawaan ako kahit papaano.

"Bakit hindi siya bumaba muna?" She looked curious.

"Nagmamadali po kasi siya." I smiled at her.

Napatango ulit siya. "O... siya. Nand'yan sina Flame sa loob ngayon... kanina ka pa no'n hinahanap." She glanced at my clothes.

"Okay po... mauuna na po ako sa loob." Ngumiti ako bago siya tuluyan nang tinalikuran.

Tahimik ko namang nilakad ang daanan papunta sa harap nang pinto. Pagbukas ko no'n ay bumungad sa akin ang tahimik ding sala. Mukha namang walang tao. Or so I thought.

Palapit na ako sa hagdan no'ng nakarinig ako nang sigawan sa bandang kuwarto ng dalawa kong pinsan. They were suddenly screaming at the top of their lungs like something's chasing them.

Iniwasan ko ang hagdan at tumungo sa doon dulong pinto, 'yong kuwarto ni ate Ever. Doon nga nanggagaling ang ingay. Mabilis kong pinihit ang knob at napasigaw sa gulat dahil sa bigla na lang silang nagtilian ulit. I held my chest in horror.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Where stories live. Discover now