Chapter Forty-One

1.2K 83 19
                                    

"IS THAT REALLY okay? I am technically working under your father at sa kanya ko dapat binibigay yung report." Wika ni Enrico sa 'kin while we are walking out of our professor's faculty room. I only submitted my Thesis at sinamahan na ako ng lalaking 'to since nag-e-exam pa si Tina.

"You'll technically still report to him, ang sinasabi ko lang, let me know the report first before mo ibigay kay Dad. Iyon lang naman." pagpapaliwanag ko rito habang tinatanaw ang Lagoon ng Unibersidad kung saan naroon ang mga nagbebenta ng pagkain.

"I still don't think that's a good idea," anang pa ng binata na kinaikutan ko nalang ng mata. "Para sa'n ba at gusto mong malaman? It's your sister after all."

I sighed when we stopped somewhere na may lilim tapos ay sinamangutan ko ito. "A sister that has been awakened from her tomb and surprised us? Siguro naman aware ka na sa nangyari at bigla nalang s'ya lumitaw 'di ba?"

"And that's what you want to know,"

"She's hiding something," I commented. "And if that's something that could affect our family then I'll do my best to prevent it from happening."

"You know something, don't you?" biglang naitanong ni Enrico sa 'kin.

'Di na lang ako kumibo at tinuon ang pansin ang pag-order ng isang sisig.

"'Di kita pipigilan na mag-report kay Dad, Enrico. All I want is ako muna ang makakaalam. Is that okay?" Wika ko rito while we are looking for a space somewhere in this area to eat our ordered food.

I heard him sighed then nodded at me. "Fine, but... promise me that you'll tell me if you'll do something outrageous. Consult me."

As if I need you on that. I mentally said.

I only nodded at him then we sat on a stone table and chair.

"Nga pala, if ikaw ang gagawa sa pagbababantay sa kapatid ko, paano ang unang misyon mo rito?" tanong ko nang maalala iyon.

"That mission is almost done," tugon nito na nagpangisi sa 'kin.

"And you are not yet telling her your main purpose here?"

Enrico subtly glared at me and said, "I have a reason to stay longer so don't mind it. Ako nang bahala do'n." He explained that made me just grin.

We are in the middle of eating our food we've noticed a commotion in one of the entrances of the PUP Lagoon. Maraming estudyante ang nakiusosyo at hawak hawak ang kanilang mga camera.

"Ano'ng mayro'n doon?" nawika ko na kinalingon rin ni Enrico. Since mas walang pakialam itong lalaking 'to, he only minded himself in eating his food while chatting Tina na 'di ko mawari kung paano nakakapag-chat in the middle of the final exam.

"Oh my god, si Troy Monteverde!"

"Ang sarap talaga n'ya!"

"Grabe ang pogi sobra!"

"Ako nalang po asawahin n'yo kyah!"

"Jusko pasabit po sa muscles n'yo po!"

Tangina? Ano'ng ginagawa ng gagong 'yan dito?!

"Oh, ang laway natulo," mapang-asar na wika ni Enrico habang may pag-gesture pa ito na may sinasalo sa bibig ko. I rolled my eyes at him tapos ay hinampas ko ang kamay na nakatapat sa bibig ko.

"You know why he's here, right?" tanong ni Enrico sa 'kin.

"Yeah, my reborn sister, who else?" mapait kong tugon.

"For someone who's smart like you... you are dense." Kapagkuwa'y komento ni Enrico na nagpakunot noo sa 'kin.

"And what's that supposed to mean?" I asked while my left eyebrow arched up.

Los Solteros 1: Irresistible SensationWhere stories live. Discover now