Chapter Six

18.2K 355 29
                                    

WE are currently walking in the crowded street of Divisoria because of this man beside me. Minsan hindi ko malaman ang kasaltikan ng gagong ito dahil hindi ako natuloy sa lakad ko dahil halos halikan ang kalsada na pinagtatayuan namin nang maalala niyang wala pa siyang gamit na kahit na ano sa apartment na kinuha nito.

Alam mo iyong may schedule akong date sa isang prominanteng businessman tapos napapayag ako ng damuho na ito?

Pasalamat itong gagong ito na hindi ko trip ang makaka-date ko at mas trip ko pang mamasyal kesa ang makipag-plastikan ng ngiti at exchanging of sweet words sa taong nirereto sa aking ng step-mom ko.

"Akala ko ba gamit ang kailangan mong bilhin? 'Eh bakit puro damit iyang pinupulot mo?" Masungit kong sita sa kanya habang natingin ito ng mga damit na maporma.

"Wala akong ibang damit na maayos kasi, Serena. Ito naman parang damit lang. Ililibre nalang kita ng makakakain mamaya. Don't worry." Anito nang hindi ako tinitingnan at busy sa paglagay ng damit sa harap ng dibdib nito. "Ano? Bagay ba?"

He picked a polo-shirt na gray and dark blue ang combination ng kulay. It has a very inspiring message na halos magpagulong ng mata ko sa sahig.

It states, "Anghel na saksakan ng pogi."

At sino poncho-pilato naman kaya ang nakaisip ng napaka-corny na statement shirt na iyan? Sinira niya lang ang essence ng polo shirt. Okay na ang kulay pero nagpapangit naman ang statement na nakaburda.

"Nako Ser! Ang puge puge ho nenyo! Haru josko! Mudel ka ba hijo?" Ani ng ginang na kanina pa pisil ng pisil sa malabatong braso ni Enrico.

"Gusto mong tamaan ng kidlat?" Wika ko sa binata pero natamaan din yata ang ginang sa sinabi ko. Huwag siyang asyumera. Gilitan ko pa siya dyan gamit ng mga electrical wirings nila dito eh.

"Grabe ka naman mang-insulto dito! Ayos naman ah!" Reklamong parang bata ng baby damulag na ito.

I squinted my eyes at him and I raised the ten plastic bags that I'm handling right now.

"Hehehe, sabi ko nga bibili na tayo ng gamit." Anito sabay balik sa sampayan ng damit na sinukat.

"Marunong ka palang pumili." Puri ko sa kanya nang mapansin ang paraan ng pagpili nito ng mga gamit na pangluto, panglinis at kung anu-ano pa na kailangan nito. I'm impressed.

"Sa probinsya kasi, madalas maraming ganitong tindahan kapag napapadaan ako sa bayan sa tuwing sinasamahan ko ang mga trabahador kong ipagbenta ang mga naani sa lupain namin. It's better na pumili ng pangmatagalan. Kahit pa na hindi original o branded basta alam mong pumili ng tatagal." My lips quivered and my eyebrows raised at the same time from his remarks. Nice. Sana ganito ang Troy Monteverde na iyon.

Troy is an expensive type of a businessman. Base sa mga nakuha kong papers, signed proposals and projects, masyadong magarbo ang mga pinipirmahan nito. Isang bagay na nagpapangiwi sa akin sa tuwing naalala ko iyon.

From then, alam ko na ang rason ng Don kung bakit niya ako ang gustong maka-partner ng anak niya sa isang special project na makakapagpadala sa kompanya nila sa international market. Hindi dahil walang tiwala ang Don sa anak nito'y bagkus, mas gusto pa nitong mapaturuan si Troy sa mga bagay na dapat pa nitong malaman.

And yes, I should say that he really has a lot to learn. We just need to go back to basic.

"Pero may isang bagay ang hindi ko sinasaalang alang ang quality kung tatagal ba o hindi... Ale! Ito nga ho, kukunin ko!" Napatingin ako sa gawi ni Enrico and he looked at me after he confirmed to get the item that he's checking at.

"Ano?" I asked.

"Ang mapapangasawa ko. Hinding hindi ko hahayaang hindi ibigay sa kanya ang lahat. Kahit gaano pa kamahal. Basta mahalin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya."

Los Solteros 1: Irresistible SensationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon