Chapter Five

20.3K 405 28
                                    

NAKAPILA AKO NGAYON sa may ARO entrance dito sa PUP. Last step na ito sa enrollment at kukunin ko na lamang ay ang Registration Form. Lumapit ako sa isa sa mga counter nang tawagin ang pangalan ko. "Magandang hapon po." Bati ko.

Kinuha sa akin ang mga papel na ipinaayos ko kay Aurora at s'ya ko namang binigay.

"Serena Angeles Fontanilla. Kaanu-ano mo ang mga Fontanilla dito sa Manila, ineng?" Medyo natigilan ako sa tanong ng ginang sa akin. Pero ibinalik ko ang aking ekspresyon at sumagot.

"Nako, hindi ko ho sila kaanu-ano. Coincidence lang po siguro." I lied.

Mabuti na lang at hindi ako masyadong kilala bilang tunay na ako. I'm currently wearing typical clothes, tulad ng simpleng jeans at isang plain t-shirt na medyo hindi hapit sa akin. Ternuhan pa ng madalas kong suotin na reading glasses dahil malabo na rin ang aking mga mata kapag hindi iyon suot.

At isa pang mas nakakahinga ng maluwag ay ang pangalan na gamit ko sa madla. I'm not using usually my full name. In business world, I was known to be Lady Elle. Kahit ang mga pamilya ko sa side ng mga Fontanilla ay 'yon ang mas tumatak kaya 'di ako nangangamba ngayon.

"Ganoon ba ineng? Sorry akala ko lang. Sige na pirma ka na dito bilang katunayan na nakuha mo na ang Registration Form mo."

I nodded and I signed the papers. Hinahanap ko pa ang aking pangalan pero agad ko rin naman iyon nahanap at pinirmahan na.

Pagkalabas ng kwartong iyon ay naghanap ako ng makakain. Hindi rin biro ang pagpila ko ah. Naalala ko tuloy ang mga nakikita kong sikat na memes sa Facebook patungkol sa mga ganitong scenario. Iyong Pila Ulit Pila. I chuckled a bit upon realizing that I was able to experience it. And I feel great!

Nilibot ko ang gitnang bahagi ng eskwelahan. Sa gitna kasi nito ay may pabilog na daanan paitaas na ginagamit minsan ng mga estudyante dahil mistulan itong isang giant slide. Sa aking pag-ikot ay aking napansin na nahahati sa apat na wing ang buong gusali. May North, South, East, at West. Tatlo rin ang pasilyo sa ground floor na pinagtayuan naman ng dalawang mahabang canteen. Sa loob nito ay may ni-re-renovate, not sure for what pero kasalukuyan 'yon inaayos. Habang ang isang pasilyo naman ay animong ginawang isang computer laboratory sa dami ng computer. Pumasok ako do'n saglit pero agad ring lumabas dahil sobrang init pala roon.

I decided to buy food 'cause I'm really damn hungry.

I bought their famous FEWA. Tinignan ko muna iyon. Sa una, parang isa lang siyang simpleng footlong sandwich. Pero habang pinagmamasdan ko kung paano ito niluto ay medyo nakadama ko ng paglalaway. Buti na lamang at napigilan ko iyon. So, baboy.

Hindi ko na pinansin kung malinis ba ito o hindi. She's not here to be maarte. She's here to study and try to live the simple life that she used to experienced before. Saka hindi naman sila magbebenta ng gano'n right? Like hello?

I bit a little and chewed it. Maya-maya nagliwanag ang mga mata ko dahil nasarapan ako sa lasa. Bumili na rin ako ng isang mango shake bilang terno nito at lumakad papunta sa labas.

Sa labas ng canteen ay napansin kong may lugar na tinatawag na Linear Park. Pumasok ako roon at napagtanto kong isa pala iyong mahabang lugar na animo'y isang tambayan. Makikita rito 'yung mga maliliit na barko sa may ilog at may mga kargo. Kahit medyo 'di kaaya-aya ang amoy ay natuwa naman ako.

Napabuga ako ng hangin. At last, naranasan ko na uli ang normal na oras at araw.

Umupo ako sa isang tabi at doon ko nginata ang pagkaing binili ko. Sa kalagitnaan ng akinng pagkain ay naramdaman kong may tumabi sa akin.

"May katabi ka ba, Miss? Sorry, ito lang kasi ang mas convinient na area dahil doon sa bandang dulo ay masangsang na iyong amoy."

Hinead to foot ko ang binatang nagsalita. Napaangat ng bahagya ang dalawa kong kilay nang mapansing may itsura ang lalaki.

Los Solteros 1: Irresistible SensationWhere stories live. Discover now