Chapter Thirteen

14.1K 331 21
                                    

HALOS gusto ko nang magtanong kung ano ang nangyayari. Nakataas ang dalawa kong kilay at pakurap kurap sa dinatnan ko sa office Biyernes ng umaga. Hindi ko alam if namamalikta ba ako or what.

"Ms. Serena, thank you po talaga sa inyo. Hindi ko po alam na ganyan po kayo kabait." Wika ng isang may katandaan nang ginang sa akin. Halos kulang nalang ay sambahin ako dahil sa isang bagay na hindi ko alam na ako ang may gawa.

Teka. Ako? Mabait? Kailan pa?

"Oo nga po, kung'di dahil sa'yo marahil ay marami na ho ang nagsi-alisan na empleyado ngayon." Wika ng isang clerk habang naiiyak iyak pa.

"Hindi na ho kasi namin talaga kaya ang magtrabaho rito pero malaking bagay po ang ginawa ninyo noong isang araw." Wika naman ng isang lalaki na kaunti nalang ang buhok at malaki pa ang tiyan.

Pilit akong ngumiti sa kanila nang magsimula nang magdagsaan ang ilan pang empleyado na alam yata ang pinagsasasabi ng tatlong tao na ito. Ang iba naman ay usyusero lang.

"Kung anuman ho iyon, walang anuman." Tugon ko kahit na pilit. Like hello, I don't even know what they're thanking about. "I need to go up now. Ma-le-late na po ako."

Magalang akong umalis sa harapan nila at nagmamadaling pumunta sa elevator. I'm getting goosebumps all of a sudden coming from the creepy looks that I'm getting from the employees I'm facing with.

Para yata akong na-chismis sa buong kompanya.

Napasinghap ako ng marahas nang maisip ang isang dahilan kung bakit sila ganyan. Pero agad agad akong umiling.

No, hindi naman siguro.

Maingat naman akong 'di kami mahuhuli 'eh.

P-Pero... nakita kaya nila ako na kasama ni Troy kahapon? Tapos... tapos... nakita nila akong sumama sa condo niya?

Shocks! No! Hindi pwede! Hindi naman siguro 'yon do'n. Bigla tuloy akong kinabahan ng todo.

Nang tumunog na ang elevator ay mabilis akong pumasok nang lumabas na ang mga lulan no'n. Even those people are looking at me the same. Napangiwi nalang ako sa kaba at pangamba.

Jusko, halata ba sa lakad ko na para akong pinasukan ng malaking troso? Ang hirap pa rin kasi ang maglakad gawa ng ginawa naming kababalaghan niyang si Troy. Humirit pa kanina ng isa kaninang paggising.

Pagdating sa floor kung sa'n naroon ang desk ko ay nanghihina akong umupo sa upuan ko. My mind has been clouded by the employees stares. I don't want to overthink that they might know something that Troy and I did yesterday. Kasi kung 'yon nga. Wala na akong mukhang maihaharap pa.

"Serena! Hey!" Napapitlag ako sa gulat when someone snapped his fingers in front of my face.

"S-Sir!" Gulat kong bati tapos ay tumayo pa ako para harapin siya. Nakadukwang kasi ang binata sa station ko.

"Are you okay? You seem not in the right posture to work." I can sense his worry from here. When he was about to touch my forehead, I immediately covered it with my hands.

"O-Okay lang a-ako." Gusto kong magmura dahil halata ang pagkautal ko.

"Maputla ka. Kumain ka naman kanina sa condo ko—" mabilis pa sa kambing ang ginawa kong pagtakip sa bibig ni Troy dahil sa gusto nitong sabihin.

Jusko! Maaga akong magkakasakit sa puso sa sinasabi niya, kainis!

Nagpalinga linga pa ako sa paligid dahil baka may tao at may nakarinig ng sinabi niya.

He forcefully removed my hands on his lips and gave his questioning look. "What's the problem?"

I hissed then whispered, "Huwag ka ngang maingay na galing ako sa condo mo kagabi."

Los Solteros 1: Irresistible SensationWhere stories live. Discover now