Chapter Fourteen

13.3K 344 29
                                    

HINGAL KONG INILAPAG ang biniling pagkain sa harapan ni Troy. Maging ang mga kasama nito'y napatingin sa akin. Masama ang tingin ko sa kanya. My eyes are glaring as if it has lasers to penetrate deeply on Troy's skin.

Sino ang hindi mas lalong manggagalaitin?

They are done eating their lunches! Like what the hell?! Anong silbi ng pagbili ko ng pagkain sa kanya? I even exhaust myself too much just to get here on time. Tapos ito ang maabutan kong eksena? Nagkakasayahan sila sa isang malaking pizza at softdrinks?

Pasimple ko ring sinamaan ng tingin ang apat nitong kaibigan lalo na ang kapatid kong nakangisi sa'kin.

He didn't even inform me that they have just eaten! Sunod-sunod ang naging paghinga ko ng malalim. And I think I made them all stumbled in shock.

"S-Serena..."

"I ordered your favorite Italian dish for your lunch, Sir. And here's your card." Sabay abot ko sa kanya ng card nito. "I'll be just outside. Let me know if you have any concerns."

Wala miski isa ang nagsalita sa kanilang lima. If my brother really knows me well, ito ang panahon para seryosohin niya ang galit ko. Nagkapatong patong na mula pa kanina kaya huwag niya akong batuhan ng ngisi.

Nang makaupo sa aking lamesa ay nagbitiw ako ng isang malalim na buntung-hininga bago muling nag-ayos at sinimulang gawin ang trabaho.

I should just concentrate myself with work. Work sometimes relieves my stress, how ironically it may sound.

I started reading all the approvals needed by each departments. I sorted it out first from high prio documents to the least. After that, I reviewed the high prio documents and checked if all those things are good or if there's anything that should be revised. Bawat pahina ay nilalagyan ko ng sticky note to point out which part of the pages need revisions.

The high prio documents are the ones I asked last week. The plan of getting the international market exportation venture is one of the biggest brands of funitures in the US and in Europe.

Monteverde Group of Companies has the reputation of having good quality of furnitures in the whole nation. From design to manufacturing, the MGC has an established product development system.

Hindi ko lang makuha ang point kung bakit ngayon lang sila nagpaplano ng ganito. They should have done this before. Kung si Adrianna ang Chairwoman even before, ano'ng pumasok sa kokote no'n at hindi man lang ginamit ang impluwensya nito sa ibang bansa.

MGC definitely has the spot to be known globally. And yet, here they are, struggling to get a spot inside.

I put the chosen folders in a bin. Ito ang mga dapat pirmahan ni Troy mamaya. It includes the budget proposals, meeting the deadlines reports and such.

MGC should release a huge amount of money for this venture. Hindi basta basta ang plano nila. Kung noon, madali lang sa kanila dapat, ngayon ay iba na. They have a lot of competitors globally. They should impress them big time. One way to do that is to show that they are financially capable. Pero nang chineck ko na ang annual reports na binigay sa'kin ng Financial Manager, there's a lot of discrepancies with the numbers.

"You're too serious," napahawak ako sa aking dibdib sa gulat nang marinig ko si Trav na nagsalita. Nakadukwang ito sa table ko habang nakangisi.

Inikutan ko siya ng mata. "Huwag mo 'kong kausapin, busy ako."

Marahan lang itong natawa sa sinabi ko. "This is not your day, I see."

"Isn't it obvious?" I commented. Mas lalo akong nag-agree na hindi ko 'to araw dahil sa nababasa kong mali sa report.

Los Solteros 1: Irresistible SensationWhere stories live. Discover now