Chapter Fifteen

12.2K 371 28
                                    

MABILIS NA NAGDAAN ang isang linggo. Hindi ko alam na patapos na naman ang isang buwan at papasok na ang buwan kung kailan nalalapit na ang araw kung saan i-m-meet nina Troy ang darating na investors from other countries. Everything is still in place naman. Lahat ng pupwedeng maging problema ay kahit papaano ay nasolusyunan ko na. Meetings here, meetings even at night after my school ay kailangan ko rin pumunta sa opisina dahil sa pressure ng nalalapit na presentation.

Sa dalas na pagbalik ko sa opisina sa gabi ay halos lagi kaming magkabangayan ni Troy dahil masyado ko raw pinapagod ang sarili ko sa trabaho. Dumating pa nga sa punto na pinagbantaan ko na matitigang s'ya sa mga susunod na buwan kapag pinigilan pa n'ya ako sa kagustuhan kong bumalik ng opisina after ng school.

Ang kuya n'yo naman ang bilis kausap. 'Pag usapang yugyugan talaga, ang bilis magdesisyon.

Dahil 'yon ang naging panakot ko sa binata, halos sa condo na n'ya ako nauwi dahil mas malapit ang place n'ya sa opisina. Nag-agree ako na sa kanya na muna tumuloy dahil unang una, ayaw ko bumyahe pa ng malayo para lang makauwi do'n sa inuuwian kong apartment. Lagi kasi akong maaga sa opisina rin at kailangan ko ng sapat na tulog kahit papaano.

Pinagbigyan ko ang binata sa parteng 'yon dahil dalawang linggo lang naman. Tinatapos ko lang ang hectic schedules at meetings na 'to tapos ay sa Apartment na rin ako uuwi kalaunan.

Luluwag ako sa ginagawa naming dalawa kapag uuwi. Troy really proved to me that he has the same stamina of a horse. Hindi uso ang may interval na walang yugyugan.

Kasalukuyan ko ngayon sinusulusyunan ang isang problema na hindi ko pa nahahanapan ng sagor. It was the same problem that I've encountered from the last time na dumating rito ang mga kaibigan ni Troy.

The numbers and amount of MGC's finances was really not good. Ang daming mali. Ang daming kulang. Ang daming hindi tugma sa ilang year-end report na binigay ng Finance Manager.

Every year, halos sampung milyon ang nababawas sa total revenue ng kompanya pero may mga oras na nababawi iyon bago matapos ang taon. May pagkakataon na parang hindi nababalik ang nawalang pera sa loob ng magkasunod na taon. When I asked the Finance Head if I can get the copies of all the expenses of the company, tinarayan pa ako ng bruhildang 'yon at sinabing kailangan ko ng approval from the Chairwoman of the Board, which is si Adrianna.

Sa part palang na 'yon ay nakakahinala na. Bakit hindi pupwedeng dumaan ang approval kay Troy para lang makita ang expenses history ng kompanya? Something is fishy. Kailangan ko 'tong masolusyunan o baka maging sanhi ito ng pagkatuklas ng mga investors na hindi financially stable ang MGC ngayon.

I'm craning my head from left to right and vice versa when the elevator has opened at inilabas niyon si Luke. Ang isa sa kaibigan ni Troy.

His face seems not good and his mood as well. Parang hindi 'to mapakali pero natatago naman nito ng seryoso nitong itsura.

"Nandyan ba ang Boss mo?" he asked me with his impassive tone. Wow, ngayon ko lang nasaksihan ang side n'yang ito. Sa kanilang lima, Luke always has this goofy side at laging nakangiti. Pero ngayon ay iba. May pinagdadaanan yatang seryoso.

I nodded. Tumayo rin ako at isang magalang na pagturo sa pintuan ang ginawa ko. "He doesn't have any phone calls or meetings, Mr. Rodriguez. I'll just inform your appearance."

Mabilis kong pinindot ang intercom na nagkokonek sa telepono ni Troy. Nang sumagot ang binata ay rinig na rinig naming parehas ni Luke ang ingay ng mga papel na binubuklat nito. "Ano 'yon?" the busy Troy asked.

"Your friend, Luke Francis Rodriguez wants to meet you." Propesyonal kong anunsyo sa kanya.

"Let him in, and by the way, after him, don't let anyone come inside."

Los Solteros 1: Irresistible SensationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon