Chapter Twenty One

5.4K 173 11
                                    

ENRICO AND I decided to meet each other in the nearest mall in PUP. His class just ended late so when he saw me in the far corner of a Cafe, he gave me an apologetic look. Hingal na hingal itong lumapit sa'kin. Kitang kita nga ang pagod nito dahil tagaktak pa ito ng pawis.

"I'm really sorry, I arrived late. Hindi ko in-expect na magtatagal yung huli nating Prof sa Biology. Nag-feeling major na naman kaya hayun." Wika nito habang hingal na hingal pa nang makaupo sa tapat ko.

I put my Frappe on the table and gave him a knowing look. "Ayos lang ano ka ba. Naintindihan ko naman. Buti nga't sinabihan mo agad akong ma-la-late ka ng dating."

His eyes landed on the table. Nakangiwi akong nagwika muli sa kanya. "I hope a simple Cinnamon Danish will do and a cup of Frappe is fine? I don't know your taste so that's what I've ordered. Pero kung ayaw mo, we can—"

Mabilis na pinigilan ng binata ang kamay kong itataas ko sana para tawagin ang isang waiter. "Serena, these are all fine. Thanks for the food. Sa ginawa kong pagtakbo from PUP to here, I'd definitely eat anything."

Napangiti naman ako nang sinimulan na nitong nilamutak ang in-order ko. Halata ngang tinakbo ng binata ang distansya ng paaralan namin papunta rito. I was actually about to say na sana nag-jeep nalang s'ya but upon seeing the traffic building up outside, I stopped myself right away. Clearly, walking or running would be the best option or else, kung maipit man ito sa trapik baka sobrang gabi na 'tong nakarating.

And not for being so OA? But traffic here in Manila was really drastic and can cause emotional instability. Kaya kung malapit lang naman ang lugar, mas okay ngang lakarin nalang kesa ang maipit pa sa trapik.

"Have you eaten?" tanong n'ya sa'kin nang matapos itong uminom ng inumin na in-order ko. Medyo bakas ang pagkapahiya sa kanya kasi pinapanuod ko lang s'yang kumain. Nagmukha yata akong 'di pa kumakain.

Umiling ako at nginitian s'ya. "Hindi, nakakain na ako kanina."

He just shrugged at me. "By the way, ba't 'di ka pala pumasok? Tatlong araw na rin, ah. No'ng Friday, Monday at ngayong Tuesday." Takang tanong nito.

Nginisian ko naman s'ya while I'm sipping with my Frappe. "Are you stalking me?" I playfully asked.

Enrico manly rolled his eyes at me and said, "Kahit gusto kita, hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa'yo. Man-hater ka kaya."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi n'ya at mabilis s'yang hinampas sa braso nito. "Ang OA ng man-hater, ah! 'Di ba pwedeng wala naman akong time sa ganyan and besides, 'di pa ako maganda para magkarelasyon."

Another lie, Serena, maganda ka. Remember?

Nagsalubong naman ang dalawa nitong kilay sa'kin. "You don't need to be beautiful just to be in a relationship."

It was my turn to roll my eyes. "At talagang sumang-ayon kang 'di ako maganda."

Sunod sunod naman ang ginawa nitong pag-iling sa'kin. "No! That's not what I'm trying to say, Serena. Hey, guess what, you're beautiful. And you will be the most gorgeous woman that I have ever met if you'll remove that big glasses of yours. Why hide your true beauty? At do'n sa sinabi ko, tama naman ako. Naririnig ko nga sa mga chismosa nating classmate na may mga magagandang modelo raw ngayon na niloloko pa ng mga asawa o boyfriend nila. Maganda na ang mga 'yon nang pinakita nila sa'kin ah. Maganda na pero nagagawa pa ring lokohin. So, my point here was, wala 'yan sa mukha. Kung mahal ka talaga ng tao, tatanggapin ka n'ya at hindi s'ya magsasawa sa'yo."

I gawked at him as if he's not the Enrico that I've known. "Sino ka? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" tanong ko sa kanya habang seryoso s'yang tinitingnan. Sinamaan naman n'ya ako ng tingin.

Los Solteros 1: Irresistible SensationWhere stories live. Discover now