Chapter Thirty Three

3.2K 173 53
                                    

"AUBREY?" parehas kaming napatingin sa taas ng hagdanan nang makita namin si Troy na kakatapos lang magsuot ng sando at naka-boxer short pa rin na kita ang may kaputian nitong hita. Umirap kaagad ako dahil ang sarap sampalin nang mamula.

"Troy! Hi!" biglang tayo ng babae at sinalubong ang binata mula sa pagbaba nito ng hagdanan.

"What's your business here?" pormal na tanong ng binata rito at binesuhan pa ang dalaga.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng... inggit at insecurity?

Aubrey was not that bad. I mean, I'm pertaining to her looks. She has the face and the body too. Kahit naka-blouse ito na umabot sa hita'y matatakot kang hawakan ito dahil para itong babasagin na hindi pwedeng hawakan ng ninuman. Ta's idagdag pa na they look good together. As in, Love Team levels. Kung nag-artista 'tong dalawa'y baka sobrang sikat nila ngayon at maraming fans ang mag-aasam na sila'y ikasal.

"I was just here actually to visit Gab but now that I saw you, naalala ko yung about sa Joaquin. Ano na palang nangyari do'n?"

"It went good, thanks for asking. We're going to talk with Joaquin's marketing head and business development team to discuss a few things before they fully transfer the branding to us."

"Oh, that's nice! I'm happy that you got it pala!" natutuwa nitong bigkas.

Napakamot pa ang Troy na 'to sa ulo bago tumugon. "Yeah, thanks to my team actually. They did great."

"Speaking off, have you thrown them a celebration? Do you want me to fix that for you?"

"There's no need, we're done celebrating it actually. Just last two weeks ago."

"I see, that's great! By the way, I heard Yvonne's back to her previous post? Sorry, I just want to know. Shocks, I'm such a nagger. No need to answer that." Aubrey suddenly looked apologetic.

Naabutan ko ang paglipat ng tingin ng mata sa'kin ni Troy bago ako nagtuloy nalang sa kwarto ni Gab. I don't think I'm needed there. I felt so out of place.

"Where are you going?" napatda ako sa paglalakad at muling tiningnan ang binata. Seryoso ang mukha nito at bakas naman sa mukha ni Aubrey ang pagtataka.

"Kay Gab, Sir." Iyon lang ang sinabi ko.

"Oo nga, Gab is waiting for her. You have a nice Yaya for your him, huh." Komento naman ni Aubrey at nakita ko pa ang pagkapit nito sa braso ng binata.

Troy, on the other hand, turned sour because of what he heard from Aubrey. "Yaya?" takang tanong nito pero ang seryoso nitong mukha ay nakatingin pa rin sa'kin.

Tumango nalang ako rito at muling naglakad papunta sa kwarto ni Gabriel. Pagkasara ng pinto'y napahawak pa ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko parang tinutusok ng husto ang puso ko. Realization is hitting me hard.

Troy will be engaged with Aubrey sa oras na matapos na ang pagpapanggap namin na magsyota. At yaya naman ang role ko bilang isang Angeles. Bakit ang hirap naman yatang abutin ng isang katulad ni Troy?

Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong maramdaman ngayon. Naghahalo halo na at nalilito na ako.

"Are you okay, Mommy?" nabaling ang tingin ko kay Gab na ngayo'y nakalapit na pala sa'kin hawak ang isang laruan nito.

I immediately smiled at him and shook my head while reaching out to his chubby cheeks. "Wala, baby. What do you want us to play?"

Kahit na naglalaro kami ni Gabriel ay lumilipad ang utak ko sa labas. Kina Aubrey and Troy. Ano kayang pinag-uusapan nila? Mga ilang minuto palang ang nagdaan pero bakit parang ang tagal naman 'ata nilang mag-usap? O baka hindi na usap ang ginagawa nila?

Los Solteros 1: Irresistible SensationWo Geschichten leben. Entdecke jetzt