Chapter Seven

18.3K 369 21
                                    

PAGKARATING sa CM Bar ay mabilis ko lang inabot ang bayad sa Taxi driver at sinabing kanya na lamang ang sukli. Halos humahangos pa akong nakarating sa entrance area ngunit mabilis akong pinigilan ng security guard upang makapasok.

"Sandali, Miss. Bawal iyang suot mo. Bawal ang nakamaiksing short sa loob. Semi-formal ang tamang kasuotan sa bar." Wika nito.

Hapong hapo akong napamura nang maalala iyon. Fuck! Oo nga pala. Hindi ko na naalala kanina dahil sa kamamadali.

"Kuya, kapatid ko ang nasa loob. Kailangan ko lang siyang makausap at makita dahil nagkakagulo yata sa loob." Mahinahon kong anas sa manong pero halata sa mukha nito ang pagkadisgusto sa sinabi ko.

"Miss, bawal ang makulit. Bawal nga."

"Kapatid ko na isa sa may-ari ng bar na iyan ang nasa loob." Wika ko pa pero nasa tono ko na ang pagtitimpi.

Umiling iling ang guard. "Wala kang maloloko rito, Miss. Protocol talaga ang dress code."

Sinubukan ko nang pumasok pero pinipigilan niya ako.

"Ano ba kuya! Kapatid ko nga ang nasa loob!" Medyo may kataasan ko nang wika.

"Ano ba't ang kulit mo! Sabi nang hindi ka pwedeng pumasok! Kahit presidente pa iyan!" Tapos ay bahagya niya akong tinulak. Hindi ako napadapa pero sapat na iyon upang mapaatras ako at pagtinginan ng ibang mga pumapasok.

I clenched my fist and I squinted my eyes on him with irritation.

I would understand that he's doing his job. But he should've at least respect that I'm still a girl and he dared to push me! Where's the decency of this man?

I immediately grabbed my phone and I called my stupid brother.

It took him for almost five rings before he answered my call.

"Hey—" I interfered.

"You better bring your ass off here or ipapasara ko ang bar ninyo dahil sa walang modo niyong security." Sinadya kong iparinig sa guard ang sinasabi ko. Pero ang damuho, naka-poker face lang na nakatingin sa akin.

"Huh, wait. Ano'ng nangyari?"

"I'm dead serious Travis. I need you here outside or your bar will be gone effective tonight."

"Wait—"

I dropped the call and crossed my arms while glaring murderously at the guard. I didn't expect that the security agency that they got has rude personnel.

"Ma'am, magpalit nalang po kayo kesa po ang mag-imbento pa po kayo ng tawag at magsabi nang ganoon. Protocol po talaga."

Hindi ko siya pinansin. Ang kapal ng mukhang sabihing gumagawa ako ng imbentong tawag!

I acknowledged the rules they imposed. Huwag na niyang ulitin dahil hindi iyon ang kinagagalit ko.

I looked at my wristwatch and I counted how many seconds did Travis waste.

Ilang segundo lang ay nakita ko nang lumabas si Travis tapos ay mabilis nitong tiningnan ang tinitingnan ko ng nakakamatay.

Los Solteros 1: Irresistible SensationWhere stories live. Discover now