Lost City 39.

285 18 0
                                    

ASTRID.


Namamangha akong napatingin sa paligid, kahit ang mga mata nila ay hindi gumagalaw.


Did i just stop the time? But how?.


Napahawak ako sa bandang dibdib ko nang makaramdam ako ng mainit para akong pinapaso nito, dahil sa sobrang sakit ay napaluhod ako.


"Arghh!." Daing ko sa sakit kulang nalamang ay mapahiga ako sa lupa at umiyak maibsan lamang ang sakit na nararamdaman.


"Astrid!." Pilit kong minulat ang mga mata ko para tignan ang taong tumawag sakin para humingi ng tulong.


Ang sakit... sobrang sakit.


"T-tulong.." Halos walang boses kong sabi sa taong dumating at tuluyan na akong nawalan ng malay.









VON MOLY LOWSON.


LAHAT kami ay nataranta matapos makita ang mabilisang pagtakbo ni astrid kasabay ng mga lobong nagsitakbuhan.


Kasunod rin nito si rage na patungo rin sa direksyon kung saan dumadaan si astrid.


"Shit!." Narinig kong bulalas ni zyle at mabilis ring sinundan si astrid, ngunit alam namin na hindi niya ito maabutan sapagkat nakikita kong sobrang bilis ang pagtakbo ni astrid hindi ito normal para sa isang mortal at hindi niya ito alam.


Lahat kami ay nagsitakbuhan narin paalis para sundan si astrid, great kakatapos lang namin humarap sa kamatayan tapos heto nanaman yeah just great.


"Nararamdaman niyo ba ang nararamdaman ko?." Luke, na nilibot ang paningin sa paligid na parang may hinahanap.


Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko matapos maramdaman ang isang hindi maipaliwanag na enerhiya na dumaan ng sobrang bilis saamin.



"Look." Brielle said at tinuro ang usok sa hindi kalayuan, pinagmamasdan ko ito ng mabuti at ganon nalamang ang pagtataka ko nang makita kong hindi ito gumagalaw.



"B-bakit hindi gumagalaw ang usok? Pati narin yan?." Tanong ni shanelle at tinuro rin ang nagsilaglagan na halaman sa mga puno na huminto sa ere.



"Impossible." Mahina ngunit sakto lang para marinig namin ang sinabi ni NK.



Nauna siyang tumakbo dahilan para sundan namin siya at doon namin nakita si astrid nakaluhod sa lupa.



"Arghh!." Narinig naming daing niya habang hawak hawak ang dibdib niya hanggang sa tuluyan na itong napahiga.


"Astrid!." Zyle called her name dahilan para dahan-dahang tumingin sa direksyon namin si astrid na bakas ang paghihirap at sakit sa mukha.


Anong nangyayari sakaniya?



"T-tulong.." Wala mang boses iyon ngunit nabasa ko ito sa bigkas ng kaniyang bibig, saka ito tuluyang bumulagta sa sahig na walang malay.


"Kailangan niya ng tulong!." Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ni astrid at bubuhatin sana siya nang naunahan na ako ni zyle na agad binuhat si astrid.


"Rage.." Lahat kami ay napatingin kay brielle ng sabihin niya ito, tinignan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin at doon ko nakita si rage na huminto at hindi gumagalaw.


"Impossible ito..." Ani ni NK habang hindi parin makapaniwala sa nakikita.


"Ako na ang bahalang tumugis sa mga ito, iligtas niyo ang mga taong natitira." Sabi ko sakanila at sinimulang tugisin na parang abo ang mga lobo.


The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now