Lost City 19.

312 21 0
                                    

ASTRID.




Isang malakas na tunog ang narinig namin kasabay ng pagdating mga taong may buntot isda na tinatawag nilang sirens.


Pinalibutan kami ng maraming sirena lahat sila nasaamin ang mga mata, they looked at us na parang may ginagawa kaming malaking kasalanan. Oh right! We're here on their territory.



"Don't let your guard down." Sabi ni zyle sa isipan namin na agad naman naming naiintindihan.



"Anong sadya niyo rito mga taga lupa?." Isang boses babae ang nagtanong, kasabay ng paglangoy ng isang babaeng may korona sa uluhan nito na parang isa siyang reyna.



"Naparito kami para sa isang bagay." Deretso na sagot ni shanelle sa babaeng sirena.


Tinignan niya muna kami na parang kinikilala kami at binabasa ang bawat kilos na nagagawa namin that makes me feel uncomfortable.



Nakatingin lamang ako sakanila na namamangha, hindi ko akalaing totoo sila, tanging sa libro ko lamang nalalaman at nababasa ang tungkol sakanila. In a mortal realm they are just a myth na gawa-gawa lamang ng malikot na imahinasyon ng isang tao.



Not knowing that they really exist in real life at nandito nga sa harapan ko kitang-kita ng dalawang mata ko.



"Kung hindi ako nagkakamali ay naparito kayo sa perlas tama ba?." Hula nito habang nakatingin parin saamin.



Humakbang si von papunta sana sa babaeng sirena ng bigla siyang tinutukan ng parang isang trident dahilan para mapahinto sa paghakbang si von.



"Diyan lang kayo walang gagalaw at lalapit sa mahal na reyna." Ma awtoridad na sabi ng babaeng nasa tabi ng sinasabing reyna na hula ko ay kanang kamay nito.



"Tama kayo narito kami para sa isang perlas." Sabi ni zyle na gulat pa ako ng marinig ko siyang magsalita ng tagalog, napahawak ako sa bandang dibdib ko ng naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.



Woahh mukhang aatakihin pa ako sa puso sa gulat, iba talaga ang lalaking to nangungulat nalang.



"First time? Minsan lang yan kaya sulutin mona." Natatawang bulong ni brielle sa tenga ko.



"Kung ganun kayo pala ang alpha?." Napatingin kami sa reyna matapos niya tawagin ang pangalan ng team namin.



We all nodded in response, nakita nalang namin na tinanguan nito ang mga sirena at sirena  na sa tingin ko ay mga kawal niya, hindi na ako magugulat na may palasyo sa ilalim ng dagat.



Lahat sila binaba ang nakatutok na patalim saamin at umalis na sila maliban sa babaeng nasa tabi nito na nananatili parin na nakatayo sa tabi ng reyna.


"Aurellia sabihin mo kay ama na nandito na sila." Utos nito sa babaeng nasa tabi niya na agad namang humarap sa reyna at agad na yumuko bilang paggalang dito.


"Masusunod mahal na reyna." Sagot nito at agad na lumangoy palayo, lumapit saamin ang mahal na reyna.


"Wag niyo sanang mamasamain ang itatanong ko mahal na reyna ngunit bakit kayo nagpunta rito kung pwede namang sila nalamang ang sumalubong saamin at ibabalita nalamang sainyo?." Magalang na tanong ni luke dito.



"Hindi ko rin alam ngunit isang pakiramdam ang nagtulak saakin na pumunta at ang pakiramdam na iyon ay hindi ko maipaliwanag. Halina kayo at sumunod saakin." Sabi niya at tumalikod na para lumangoy habang kami naman ay nakasunod lamang habang may bubbles parin na nagpoptotekta saamin.



The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now