Lost City 27.

317 22 1
                                    

ASTRID.


"Astrid?." I was stunned when i heard a familiar voice behind me.

"Nandito kalang pala pinapatawag tayo ni headmaster." Dahan-dahan akong napalingon kay brielle matapos niya iyong sabihin.

"B-bakit daw?." Tanong ko.

"Ewan ko din. Teka ayos kalang ba?." Tanong nito sakin.


"A-ah oo tara na!." Dahil sa taranta ko ay mabilis ko siyang hinila palabas ng library, hindi man niya aminin alam kong gusto niyang magtanong dahil nakatingin siya sakin pero nanahimik nalamang siya.


Pagdating namin sa office ng headmaster nakaupo na ang ibang alpha at mukhang kami nalang talaga ang hinihintay.


"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, you have a mission." Aniya kunot noo kaming napatingin sakaniya, ilang weeks narin kasi kami hindi mabibigyan ng misyon kaya unexpected talaga ngayon.


"What is it?." Ngayon ko lang napansin na kasama rin pala namin si NK.



"Your mission is to solve a mystery happened to this village." Sabi ni headmaster at binigay samin ang isang litrato ng isang bayan, halata sa mga mata ng tao ang lungkot at pansin ko rin na halos lahat sila ay lalaki.


"Bakit halos lahat ata sakanila lalaki?." Tanong ko.


"That's the point, someone asked for the help of alpha hindi niya sinabi kung ano but i want you all to be careful and remember the rules, comeback alive and complete." Aniya kaya lahat kami napatango.



"This place..." Bulalas ni luke.


"The mountain spirit. Be carefull alpha that mountain uses a mirror to protect it's place." Aniya kaya nangunot ang noo ko sa sinabi ni headmaster.


Ano naman ang kinalaman ng salamin?.


"Paano mapoprotektahan ng salamin ang mountain spirit?." Takang tanong ko na ikinatawa niya.


"I'm not saying a literally mirror astrid. Nsasabing salamin dahil ang moon bear na nagbabantay sa lugar na ito ay nakikita ang nangyayari sa kaniyang pag-aari at walang sino man ang makakalusot katulad lamang ng isang salamin na sa bawat tingin mo dito ay makikita mo ang nasa paligid mo kahit hindi mo man ito kusang tignan." Paliwanag niya kaya napatango nalamang ako matapos maintindihan ang sinabi niya.


"You will leave the academy tomorrow morning same time don't be late." Aniya bago niya kami i dismissed.


Matapos ang nangyari sa headmaster office ay umuwi na ako sa dorm namin.



Pagpasok ko ay tahimik na paligid ang sumalubong sakin, tumayo ang lahat ng balahibo ko sa batok matapos dumampi ang malamig na hangin sa balat ko.



Bakit ang dilim? Wala pa si snow? Gabi na ah?.


Akmang hahakbang ako ng bigla akong tumilapon papunta sa kusina.



"Aray!." Daing ko matapos maramdaman ang hapdi sa tagiliran ko dahil nabunggo ito sa paa ng upuan matapos akong tumilapon dahil sa pwersang tumulak sakin.


Napamulat ako ng mata at may nakita akong bulto ng tao na papalapit sakin. Nagulat ako matapos ko siyang makilala.


"J-jinky?." Gulat na tanong ko. Matagal ko narin siyang hindi nakita matapos niyang umalis sa bahay ni nanay freya nung araw nayun hindi ko na siya nakita pa.



The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now