Lost City 1.

789 32 2
                                    

ASTRID.


"Bili na kayo bili na..mura lang hija baka gusto mo?." Napatingin ako sa matandang babae na nakangiti sakin ngayon habang nakalahad sakin ang makukulay na kandilang binebenta niya.

"Magkano ho ba lola?." Nakangiti kong tanong sakaniya, nakita ko kung pano siya natuwa sa tanong ko.

"Limang piso lang ang isa hija." Nakangiting sagot niya sakin, kinuha ko naman ang wallet sa bulsa, kakaunti lang rin naman ang paninda niya at mukhang wala pang bumibili sakaniya.

Ilang araw ko na rin kasi siya napapansin dito sa cathedral, linggo kasi ngayon at parati akong sumisimba at nakikita ko siya na pabalik-balik lang at nilalampasan lamang ng mga tao kaya naawa ako sakaniya. Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na.

"Bibilhin ko na po lahat lola para makapagpahinga na ho kayo, hindi po maganda sa matatandang katulad niyo na napapagod lalo na sa ilalim ng mainit na araw." Nakangiti kong sabi sakaniya.

"Ay nako ang bait mong bata hija, wag mo akong aalahanin ginagawa ko ito para sa aking apo. Eto na maraming salamat hija." Aniya sakin ngumiti naman ako sakaniya ng malapad.

"Walang ano man po lola magpahinga po kayo!." Nakangiting sabi ko sakaniya at nagpaalam na para bumalik sa bahay ampunan.

"Dumating na si ateeee!." Isang malakas na boses ang bumungad sakin pagka pasok ko palang, nakikita ko na mula sa ikalawang palapag ng bahay ang mga batang nagtatakbuhan papunta sa direksyon ko at sabay nila akong niyakap.

"Pabuhat ate..." Naka nguso na sabi sakin ni lyn limang taong gulang, at dahil sa sinabi niya halos hindi ko na alam ang gagawin ko dahil halos lahat sila nagpapabuhat na sakin meron pa nga na pilit sumasampa sa likuran ko.

"Mga bata hayaan niyo muna makapag pahinga ang ate niyo, gusto niyo ba na mapagod si ate?." Napangiti ako sa boses na iyon.

"Hindi po...." Sabay nilang sabi na ikinatawa ko, i patted their heads as i smiled at them.

"Mga bata kay sister fely muna kayo." Sabi ko sakanila.

"Play po ba tayo maya ate?." Tumango ako sa sinabi ni danica at kinurot ang mataba at namumula niyang pisngi bago sila naghiyawan at umalis na sa harapan ko.

"Ano yang dala mo?." Tanong sakin ni clinton habang nakatingin sa kulay asul na plastic na dala ko.

"Ah eto? Kandila lang." Kumunot naman ang noo niya sa sagot ko, he's clinton villanueva kababata ko siya at katulad ko dito na rin siya lumaki sa ampunan.

"Oh? Ano naman ang gagawin mo diyan?." Takang tanong niya.

"Ano bang ginagawa sa kandila?." Tanong ko habang nakangisi.

"Ewan ko sayo astrid." Aniya at inirapan ako. Tch, parang babae talaga haha.

"Sus para kang babae, binili ko ito sa matanda kanina naawa kasi ako, walang bumibili." Sabi ko nakita ko namang napailing-iling siya, sanay na rin naman  kasi siya sakin.

"Pwede bang bawas-bawasan mo naman ang kabaitan sa katawan mo nagmumukha ka ng anghel na nahulog sa lupa." Aniya natawa nalamang ako sa sinabi niya.

"Loko ka talaga haha tara na nga tulungan natin si mama." Sabi ko habang tinutukoy si sister fely na naging ina ko na simula nang mapadpad ako dito.

"Mama fely nandito na ako!." Sabi ko sa malakas na boses nakita ko naman siya na lumabas sa kusina habang nagpupunas pa ng basa niyang mga kamay.

"Nasabi nga sakin ng mga bata, oh siya tulungan niyo ako dito nang makakain na tayong lahat." Sabi niya, napangiti naman ako at tulungan siya.

The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now