Lost City 41.

298 20 3
                                    

BRIELLE.


NAGULAT kami sa biglaang pagwawala ni astrid sa gitna ng kaguluhan, she was like chasing for someone at galit na galit siya dito.

Halos nagulat kami sa lakas na pinakita niya, lahat ng pumipigil sakaniya ay nahihimatay matapos niya itong itulak ng malayo.

Hindi pangkaraniwan ang lakas at bilis niya, kahit ang pagtakbo niya ay sobrang bilis.

Nakakita rin kami ng usok na nanggagaling sa katawan niya na hindi namin alam kung paano nangyari iyon.

'Nasaan ang kaibigan ko!.'

Alam kong hindi lamang ako nakarinig non dahil kahit sila NK ay napatingin  kay astrid na parang may narinig.

Kasunod nun ang isang malakas na enerhiya ang bumalot sa lahat, hindi lamang ako ang nakaramdam nun sapagkat lahat ng estudyante ay napatigil at hinanap kung saan iyon nagmula.


Ngunit may pakiramdam ako na nangagaling ito sa kaibigan namin, una ko pa lamang siya nakita ay alam ko na may kakaiba sakaniya.


Nakakatakot ang enerhiya na nangagaling sakaniya hindi ito makakayang dalhin ng sino man, sobrang bigat sa pakiramdam hindi ko maunawaan ang kakayahan na meron siya.


Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng biglang may lumabas na apoy sa kaniyang kamay at hinagis ito sa isang direksyon kasabay nun ang pag itim ng langit at biglaang pagkidlat na tumama sa ibang mga nilalang sa labas dahilan para maging abo sila.


Lahat kami napasinghap sapagkat hindi lamang isa ang kakayahan nito kundi dalawa.


Iisa lamang ang taglay naming mahika kung kaya't nakakagulat na dalawa ang taglay niya.


Ngayon lamang nangyari ang pangyayaring ito.


Sino ka ba talaga astrid? Bakit habang tumatagal ay mas lalo kitang hindi nakikilala? Bakit parang unti-unti kang nagiging estranghero sakin?.


"T-that...that's impossible!." Ani ni luke sa tabi ko habang manghang mangha na nakatingin kay astrid na nakahandusay na ngayon sa lupa na tinutulungan naman ni zyle at NK para buhatin ito ngunit sa huli si zyle parin ang bumuhat dito para dalhin sa clinic.


"Hanep din tong si astrid ah, kakagising lang sa clinic babalik ulit siya don." Ani ni luke sa tabi ko dahilan para mapagulong nalamang ako ng mata at binatukan siya ng malakas dahilan para mag reklamo siya pero tinignan ko lang siya ng masama dahilan rin para manahimik siya.


"Students stay in your dorm for now. Don't go outside until i said so and for those who will break it will be punished by sending in jail, the jail of hell." Ani ni headmaster sa isang ma awtoridad na boses, malakas na lamang akong napabuntong hininga sa narinig.


Tumalikod nalamang ako at nagpunta sa clinic para bisitahin si astrid.


Pagpasok ko palang ay agad ko silang sinabihan.


"Incase you don't know the headmaster announce that we need to stay in our dorms." Sabi ko sakanila pero gaya ng inaasahan hindi nila pinansin ang sinabi ko.


Nasanay narin naman kami sa ganito kapag may problema hindi kami makakalabas ng dorms namin so we ended up getting no care at all about it.


"Alam ko namang mangyayari yan." Shanelle said habang nakaupo lang sa tabi ni astrid at agad ring binabalik ang paningin nito sa iniinom nito.


The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now