Lost City 5.

427 19 6
                                    

ASTRID.




I can't believe this is happening!, totoo ba talaga itong mga nakikita ko? Baka naman pinaglalaruan lang ako ng utak ko at ang totoo tulog naman pala ako?.



Kailangan kong gumising...tama! Baka nanaginip lang ako.



Natawa nalamang ako dahil sa kakaibang imahinasyon ko, alam kong pagod lang ako at ito talaga ang bagay nato ang pumasok sa isipan ko ngayon.



"May nakakatawa ba sa sinabi ko binibini?." Napatalon ako sa gulat nang magsalita ang maliit na boses lalaki.




My eyes widen when i saw the young girl and young boy, they look at me with a confusion in their eyes.



"No, your not real im just dreaming napagod lang ako sa trabaho kaya kung ano nalang ang pumapasok sa utak ko na hindi naman totoo." Sabi ko, mababaliw na talaga ako sa mga nakikita, it's all looks real kaya mapapaisip ka talaga kung totoo ba o hindi.





"Pasensya na binibini ngunit totoo ang iyong mga nakikita, hindi man namin alam ang totoong nangyari sayo alam naman namin na matutulungan ka ng aming ina." Sabi ng batang lalaki.



Habang ako nakatulala parin, namalayan ko nalang na hinihila na pala ako ng dalawa papaunta sa hindi kalakihang bahay na gawa lang sa dahon ng saging.





"Ina! May natagpuan po kaming isang binibini sa gitna ng gubat silangan." Sabi ng batang babae matapos kaming makapasok.




Napaupo nalamang ako sa maliit na upuan na sa unang tingin palang ay parang gigiba na dahil sa itsura nito pero mukhang matibay naman nang makaupo na ako.





"Faye, avis saan ba kayong nagpupunta dalawa kanina ko pa kayo hinahanap." Rinig kong boses ng babae na kakapasok lamang.




"Ina!." Sambit ng dalawa at tumakbo papunta sa magandang babae at yumakap dito.





"Galing po kami sa lawa sa gubat silangan ina at natagpuan namin ang isang magandang binibini na walang malay kaya dinala na namin rito." Paliwanag ng batang lalaki dahilan para mapatingin sakin ang babae.





"Magandang umaga po sainyo." Nahihiya kong bati sakaniya, i saw her smiled at me saka siya humakbang patungo sakin.




"Magandang umaga rin sayo hija." Nakangiti rin niyang bati sakin."May gusto ka bang kainin nang maipagluto kita ng gusto mo." Sabi niya sakin.





"Kahit ano nalang po ayos na sakin." Nahihiyang sagot ko sakaniya, she just nodded her head and smile at me again.



"Anong pangalan mo hija? At anong sadya mo sa bayan ng mga alipin?." Tanong niya hindi ko man maintindihan ang ibig niyang sabihin  ay sumagot parin ako.




"Ako po si vien astrid stoneheart, astrid nalang po at hi—ahmm i mean nawalan po ako ng alaala hindi ko matandaan ang nangyari." Pagsisinungaling ko, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero hindi ako tanga para hindi marealize na nawawala ako at ito lang ang mag inang ito ang pwedeng magpatira sakin dito while im acting like i lost my memories.




"Faye kumuha ka ng isang unan at ibigay mo sa ate astrid mo." Sabi nito sa anak na agad namang umalis para kunin ang utos ng kaniyang ina.




"Siguradong nag-aalala na sayo ang iyong ama't ina, pero wag kang mag-alala hanggat wala kang maalala bukas ang tahanan namin para sayo." Nakangiti niyang sabi sakin, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maguguilty dahil nagsinungaling ako sakaniya.





The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now