Lost City 40.

285 19 6
                                    

ASTRID.


"Xy!." Gulat na saway ko sa guardian ko na biglaan nalamang sumulpot at tinulak ng mahina ang dalawa.

"Bawal yakap mama." Anito sa dalawa dahilan para tignan nila ako ng nagtatakang tingin.

"Oo nga pala avis, faye siya nga pala si baby xy ang guardian ko." Pagpapakilala ko sakanilang dalawa at tumingin rin kay xy para magpakilala sakaniya sila avis at faye.

Hindi nagtagal ay nagkasundo rin ang tatlo, kinukulit kasi nila avis si xy na maglaro hanggang sa pumayag rin ito makipaglaro sa dalawa.

"Kamusta pakiramdam mo?." Napatingin ako kay von matapos ko siyang marinig na nagtanong sakin.

"Okay lang pero may isang bagay ako gustong itanong." Sabi ko sakanila, plano ko kasing sabihin sakanila ang tungkol sa libro na nakita ko sa library ilang buwan na ang nakakalipas.

Panahon na siguro para ipaalam sakanila diba?.

"Ano naman?." Tanong ni brielle sakin habang kumakain ng tinapay na nasa kamay niya kanina pa mula ng pagdating niya dito para bisitahin ako.

"May alam ba kayo kung ano ang totoong nangyari sa diyosa ng kapayapaan?." Tanong ko sakanila nagbabakasakali na baka may alam rin sila sa libro na nakita ko sa library.

"Wala namang sinabi ang ibang propesor ang sabi lamang nila ay nawala nalang ito bigla." Sagot ni von sakin.

"Bakit mo naman natanong astrid?." Napatingin ako kay luke matapos niya akong tanungin.


Malakas akong napabuntong hininga saka ko dahan-dahang inilibas ang libro mula sa ilalim ng unan ko.

"Pamilyar ba sainyo ang librong to?." Tanong ko sakanila, agad na napatayo si NK mula sa pagakakaupo at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa hawak kong libro.


"Ang book of secrets... impossible." Anito na hindi makapaniwala kaya nagtaka ako samatantala hindi alam ng iba maliban kay NK ang tungkol sa libro.

"Saan mo nakuha ito astrid?." Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sa library, aksidente ko lamang natagpuan ang libro na yan sa isang baul." Sagot ko na ikinatango tango niya.


"Wait what's with the book? Anong meron diyan NK?." Tanong ni brielle dito at nilapitan rin ang libro para hawakan.

"Naalala niyo ba ang sinabi ni master cox satin noon? Na may isang librong matagal ng nawawala sa mundo ng mahika na pinaniniwalaang nandito ang lahat ng katotohanan tungkol sa nangyari noon." Paliwanang ni NK dahilan para magulat ako, alam niya. May alam si NK.

Ilang segundo pa bago ma proseso sa utak nila ang sinabi ni NK sakanila.

"No way.."

"Impossible.."

Sabay nilang sabi at agad na hinawakan ang librong gawa sa ginto habang mangha mangha silang nakatingin rito.


"Ito nga ang librong nakita ko sa larawan, hindi ako makapaniwala." Shanelle.

"I can't believe this, i am seeing this right now right?." Tanong ni luke dahilan para batukan siya ni brielle na ikihimas naman nito ng ulo.

Natawa nalamang ako at naiiling sa dalawa.

"Ilang buwan na yan nasa akin pasensya na kung hindi ko sinabi hindi ko lang kasi talaga alam kung paano ito sabihin sa inyo lalo na sa mga propesor." Sabi ko sakanila.

The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now