Lost City 45.

288 16 0
                                    

ASTRID.



Nagising ako na masakit ang ulo ko, napasapo nalamang ako ng noo ko matapos kong makaramdam ng kirot.

What happened?.


Kahit sa pagmulat ko ng mga mata ay hindi ko masyado ma klaro ang nakikita ko, nakaramdam rin ako ng init sa katawan ko, mainit na parang pinapaso nito ang lamang loob ko.


weird but it doesn't hurt me, hindi ito masakit pero nakakapagtaka kung bakit masarap ito sa pakiramdam.


"She's awake." Nabaling ang tingin ko sa nagsalita at doon ko nakita sila shanelle na nag-aalalang nakatingin sakin.


"Are you okay?." Alalang tanong ni brielle at lumapit sakin para sapuin ang noo ko para siguro malaman kung nialalgnat ba ako.


"May masakit ba sayo?." Alalang tanong parin nito.


"I'm okay, walang masakit sakin kumirot lang ang ulo ko pero agad rin itong nawala." Paliwanag ko na ikinahinga niya ng maluwag.


Ramdam ko ang pananahimik ng iba at ang kanilang pag iwas ng tingin sakin pero alam kong nag aalala rin naman sila sa kalagayan ko.


Hindi ko naman sila masisisi sapagkat nagsinungaling ako sakanila, mas pinili kong mag sinungaling kesa sabihin sakanila ang totoo kong pagkatao.


"I'm sorry..." Pagbasag ko ng katahimikan sa pagitan namin. Pagkasabi ko nun ay agad na nakuha nito ang pansin nila dahilan para mapatingin sila sakin ngayon na may pagtataka at puno ng katanungan na makikita sa kanilang mga expression.


"Totoo ba astrid?." Unang nagtanong si NK habang seryosong nakatingin sakin, tahimik naman ang iba na alam kong ganon rin ang kanilang gustong itanong sakin.


Malalim akong napabuntong hininga at tinignan silang lahat.


"Hindi ko intensyon ang itago sainyo ang totoo kong pagkatao sapagkat natatakot ako na maraming makaalam at mas lalong magiging mabilis ang pagdating ng digmaan ng dalawang panig." Paliwanag ko sakanila.


"Ako ang itinakda, ako ang matagal ng hinahanap ng mga demons at ng hari nila, natatakot ako na dumating ang panahon na maraming masasaktan dahil sakin na maraming mawawala dahil sakin. Ayokong mangyari iyan kaya natatakot akong ipaalam dahil nitong nakaraang araw ko lamang ito nalaman at napatunayan." Sabi ko sakanila at tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko pero patuloy parin ako sa pagpapaliwanag.


"Nang malaman ko na pupunta tayo sa mundo ng mga tao ay sobrang saya ko naging sabik ako sa misyon na ito sapagkat makikita ko muli ang pamilya ko at ang mga taong naging parte ng buhay ko na naiwan ko dito simula ng mapunta ako sa mundo niyo." Ani ko habang sumisinok dahil sa iyak.


"Lumaki ako sa mundo ng mga tao, lumaki ako sa mundong ito kaya sa buong buhay ko ang akala ko lamang ay isang normal na tao lamang ako ngunit hindi ko inaasahan na may isang napakalaking responsibilidad pala ako na dapat gampanan sa mundo niyo, sa mundo ng mahika." Sabi ko pa, naramdaman ko ang kamay na humagod sa likuran ko.


"Pasensya na kayo kung nagwa kong magsinungaling sainyo, kaibigan ko kayo dapat ay pagkatiwalaan ko kaya dahil karapatan niyo rin malaman ang totoo." Sabi ko pa sakanila.


"Shh it's okay, naiintindihan ka namin astrid pero sana sinabi mo ng maaga maiintindihan ka naman namin." Shanelle na ikinatango naman ng iba maliban kina NK at zyle.


"Kasama na pala natin ang pinapahanap ni Headmaster kailangan na nating bumalik." NK said at binigyan niya ako ng maliit na ngiti, sapat na para ipaalam saakin na hindi siya galit at naiintindihan niya ako.


The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now