Lost City 26.

331 21 2
                                    

ASTRID.


Isang linggo narin matapos ang nangyari sa canteen at hanggang ngayon at kalat parin ito sa buong akademya.

Hindi parin maalis sakin ang takot na nararamdaman lalo na't alam kong nasa paligid lamang ang dahilan ng pangyayaring iyon.

Kung hindi lamang ako nakaiwas ay malamang sa malamang eh pinaglamayan na ako ngayon ng buong estudyante at hindi ko na magawa pang makabalik sa mortal realm.

At sa isang linggo nayun ay maraming nangyari sa bawat araw ko dito sa loob ng akademya katulad nalamang ng kakaibang nararamdaman ko, may kung ano sa loob ko na gustong kumawala pero hindi nito magawa at mas madalas ko narin nakikita ang babaeng nakikita ko sa panaginip dahilan para unti-unti na akong masanay sa presensya niya kahit na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung sino ba talaga siya.

Ilang weird na pangyayari ang naranasan ko sa isang linggo na iyon katulad nalamang ngayon, nakaharap ako sa salamin at nakikita ko ang unti-unting pagbabago ng buhok ko mula sa itim na itim na buhok ag napalitan ito ng kulay abong buhok.


Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sakin mas lalo lang akong naguguluhan.


"Astrid buhay kapa ba diyan? Late na tayo!." Sigaw ni snow sa labas ng pinto dahilan para magmadali ako ni hindi ko na naalala ang maaring reaksyon ni snow kapag nakita niya ang itsura ko.

Mabilis kong binuksan ang pinto at nakita ko si snow na inip na inip ang itsura na halatang kanina pa talaga naghihintay sakin pero agad rin iyon napalitan matapos makita ang itsura ko, nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sakin, no... Actually nakatingin siya sa buhok ko.


Nung una nagtaka pa ako kung bakit ganon ang reaksyon niya pero narealize ko rin agad nang makita ko siyang nakatingin sa buhok ko.


"A-anong nangyari sa buhok mo? B-bakit ganiyan?." Gulat na tanong ni snow saakin.

Napakamot naman ako sa batok ko habang nag-iisip ng pwedeng palusot.

"A-ah ano kasi ahmm...Naisip ko rin kasi na tanggalin yung wig ko hehe kaya eto." Napakagat labi nalamang ako dahil sa kasinungalingang sinabi ko.

Huhu lord please forgive me.

"W-wig lang yun? Ibig sabihin this is your real hair? Bakit hindi ko alam?." Aniya dahilan para mabatukan ko siya.

"Gaga pano mo naman malalaman kung hindi ko sinabi diba? Tanga lang?." Napairap siya sa sinabi ko pero hindi parin maalis ang tingin niya sa buhok ko.

"Akala ko talaga totoong buhok mo yun pero mas okay ang ganiyang buhok mo astrid mas gumanda ka." Puri niya sakin dahilan para mapangiti ako.

"Bolera ka talaga wala akong pera hindi kita malilibre." Ngisi kong sabi sakaniya alam ko na ang ganiyang galawan nako nako!.

"Ang daya mo! Porket gumanda kalang hmp! Alis na nga ako bye!." Sabi miya kaya natawa nalamang ako habang nakatingin ako sa likuran niya na naglalakad palayo.


Humakbang narin ako at pinatuloy ang paglalakad papunta sa class 1-A building para pumasok na sa klase.

At dahil maraming estudyante ang nalasalubong ko expected ko na ang mga bubuyog sa paligid aist! Akalain mo nga naman kahit dito rin may mga bubuyog katulad sa mortal realm.

Wala ring pinagkaiba.

"Astriiiidddd!." Umalingawngaw ang boses ni luke dahilan para magulat ako sakaniya.

The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now