Lost City 42.

293 16 1
                                    

ASTRID.



"Ang book of secrets..." Narinig kong bulalas ni headmaster.


Hindi parin ako sigurado kung tama nga ba ang ginawa kong sabihin sakanila ang nalalaman ko, natatakot ako na baka ito pa ang dahilan para mas lalong gumulo ang lahat.


"P-paano?." Tanong niya at bigla nalamang akong hinawakan sa magkabilang balikat dahilan para tumalon ako sa gulat.


"Hindi ko alam kung paano mo ito natagpuan stoneheart ngunit nagpapasalamat ako sayo na sinabi mo sakin ito, sa ngayon aalamin ko muna ang laman ng libro at ipapatawag nalamang kayo bukas kung ano ang dapat niyong gawin." Aniya samin.


"Ngunit hindi mo makikita ang nakasulat sa loob headmaster dahil kahit kami ay walang makita tanging si astrid lamang ang may kakayahan na makakita ng nakasulat sa loob ng libro." Paliwanag ni von.



"Alam ko sapagkat piling tao lamang ang may kakayahang makabasa sa libro na ito at may alam akong isa pa na makakabasa nito kung kaya't magpahinga na muna kayo sa ngayon ako na ang bahala dito." Aniya at katulad ng dati at bigla nalamang ako nag teleport sa kwarto ko dito sa dorm.



"Mama!." Mabilis akong napalingon sa kaliwa ko at masaya akong makita si xy na tumatakbo papunta sakin at mabilis akong dinambahan ng yakap.



"Andito kana pala." I said almost a whisper mas humigpit lalo ang yakap niya sakin dahilan para mag alala ako.



"Ayos kalang ba baby?." I softly asked him, i heard him sobbed saka siya kumalas ng yakap sakin.



"Mama sorry hindi kita niligtas hinayaan kitang masaktan." Aniya habang sumisinghot pa, napangiti naman ako saka siya hinila paupo sa kama.



"Mas maganda pag ganiyan ka magsalita." Natatawa kong sabi saka ko ginulo ang buhok niya. "Hindi mo kasalanan baby kasalanan ni mama kasi nahulog ako sa kapangyarihan ni belphegor." Paliwanag ko sakaniya saka ko pinunasan ang luhang tumutulo galing sa mga mata niya.



"Talaga?." Aniya.



Tumango ako at binigyan siya ng malaking ngiti. "Oo kaya wag kanang umiyak pumapanget ka." Sabi ko na ikinasimangot niya dahilan para matawa ako.


Mahabang kulitan ang namayani sa kwarto namin hanggang sa makatulog siya sa bisig ko.


Nakakapagtaka sapagkat hndi na muling nagpakita sa panaginip ko ang babaeng nakaputi, i wonder if how is she?. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?.


Dahil sa pag iisip ay muntik na akong mapatalon sa kamang inuupuan ko ng may narinig akong bumagsak sa sala.


Napatayo ako para tignan kung anong nangyayari sa labas, saglit ko pang tinignan si xy bago ko binuksan ang pinto at lumabas para silipin kung may tao pa sa baba.


Gising pa kaya si zyle?.


Tinignan ko ang kwarto ng bawat isa sa mga alpha na kasama ko ngunit napakatahimik ng paligid tanging kuliglig lamang ang nariring ko, sarado rin lahat ng pinto nila.



Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, nakita kong nakabukas ang ilaw banda sa kusina namin.



Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin na sandaling dumapo sa katawan ko dahilan para mapayakap ako sa aking sarili.



"Zyle? Ikaw ba yan?." Tawag ko ng may mamataan akong anino na lumabas mula sa pinto pero walang sumagot.



"Zyle?." Tawag ko ulit pero isang nakakakilabot na presensya ang naramdaman ko sa paligid dahilan para bahagya akong napa atras..



The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now