Lost City 30.

319 21 4
                                    

ASTRID.


"It can't be.." Narinig kong sabi ni NK dahilan para mapatingin ako sakaniya.


"He's your guardian." Anito dahilan para magulat ako at tinignan ulit ang batang lalaki na nakatulog na sa bisig ko.



"Sigurado ka?." Tanong ko na ikinatango niya.



"Those black smoke coming from him are the same for what i saw to you." Sabi niya.


"Kaya pala iba ang itsura niya." Sabi ko, unang kita ko kasi kanina sakaniya may balat siya na parang katulad sa usa sa bandang leeg niya.



"I can't believe i am seeing that creature." Bulalas niya na hindi makapaniwala.



"Bakit?." Tanong ko.



"Your guardian is the sacred creature astrid, that creature called hakobune that only show up if it's her mistress, no one saw that creature for million years ago at hindi ako makapaniwala na nakikita ko ito ngayon sa harapan ko." Hindi makapaniwalang sabi niya.


"Million years ago?! Sigurado kaba diyan NK?." Tanong ko.



"I'm sure of it, that creature was last seen after the war of goddesses and the dark king and it happened million years ago, isa ang nilalang na yan sa malakas na creature na nabubuhay noon at ang nilalang nayan ay madalas na maging guardian ng isang diyosa kaya hindi ko alam kung bakit umamo sayo yan. And you also possess the air element." Sabi niya pa hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nalaman. Base narin sa nakita kong lumabas sa katawan ko alam kong may kapangyarihan ako at hindi talaga ako makapaniwala.



Naalala ko ang sinabi sakin ni snow noong announcement sa gymnasium na sa tuwing binibigyan ka ng punishment nilalagay ka sa selda na pinapaniwalaang nandoon ang halimaw na tinatawag na hakobune.



"A-anong nangyari?." Narinig namin ang boses ni shanelle, hanggang sa sunod-sunod na silang magising, nagulat pa sila na nakatali sila.



"Teka anong nangyari?." Gulat na tanong ni luke.


"Muntik na kayong mawalan ng kaluluwa." Sagot ko sakanila.


"That old man is a soul stealer at pinapunta niya tayo rito para kunin ang kaluluwa natin para maging malakas siya at nakatulog kayo dahil sa kinain niyong pagkain na inihanda niya kanina." Sabi ko sakanila.


"Bakit hindi umepekto sayo?." Tanong ni shanelle sakin.


"I didn't eat, hindi kasi ako kumakain ng gulay kaya pasimple kong nilagay sa bulsa ko." Sabi ko sakanila.



"No wonder ang bilis maubos ng sayo." Sabi ni shanelle at napailing pa ngumiti nalamang ako.



"Ate hanapin po natin sila ate at inay..." Narinig kong sabi ni paolo kaya mabilis kong kinarga ang batang lalaki at pumunta kay paolo.



Hindi ko napansin na lumiliwanag na pala, maaga na.


"Hanapin natin ang mga babae." Sabi ko sakanila na agad naman nilang ikinatango, dumeretso ako sa silid ng pinuno nila kasama ko si NK at zyle habang nasa tabi ko naman si paolo.


"Ang baho..." Sabi ni paolo.


"Saan?." Tanong ko sakaniya, nauna siyang maglakad samin at sinundan ang amoy na naamoy niya.


Hindi nagtagal nakaamoy narin ako ng malangsa dahilan para mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Nakita ko ang isang pinto na nakabukas kaya naglakad ako palapit doon.



The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now