Lost City 6.

345 25 0
                                    

ASTRID.




"N-nakakaala po kayo?." Hindi makapaniwalang tanong sakin ni faye habang si avis naman ay nakatingin sakin na may pagtatanong sa mukha. I sighed as i looked at them saka ko binalik ang tingin ko sa lawang nasa harapan ko.


"Pasensya na faye at avis kung nagsinungaling ako pangako sasabihin ko ito kay nanay frey, kayo lang kasi ang pag asa ko habang nandito pa ako sa lugar niyo. I honestly don't know where i am, pakiramdam ko nasa ibang dimension ako ni hindi nga ako naniniwala sa mga bagay na yan, i was just sleeping at my bed then i just woke up in the middle of the forest at nasa harapan ko na kayo." Paliwanag ko sakanila habang sila naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sakin ngayon.



"I-ibang dimension? Saan kaba nagmula ate astrid?." Tanong ni avis sakin.

"Sa mundo ng mga tao o tinatawag niyong mundo ng mga mortal." Sagot ko na ikinasinghap ng dalawa na para bang may nasabi akong hindi kapani-paniwala.

I looked at them with a confusion in my eyes.

"Bakit?." Nagtataka kong tanong sa dalawa dahil mukha silang gulat na gulat habang nakatingin sakin.

"I-isa kang mortal?...p-pero paano..?." Bakas sa mukha ni avis na ang kaguluhan kaya mas lalo lang akong nagtaka sa inaasal niya habang si faye naman ay nakatulala lamang sa kung saan na parang may malalim na iniisip.

Konti nalang talaga iisipin ko nang hindi talaga sila bata, parang matanda kung umasta minsan katulad nalamang ngayon.

"Baket? Anong meron sa mortal?." Tanong ko sakanila.

"Napakaimpossible na isa kang mortal sapagkat walang sino mang mortal ang nakakapunta dito na hindi nakakatagal ng sampung minuto dahil namamatay sila sa mundo nato kaya nakakapagtataka lang kung bakit sinabi mong isa kang mortal pero hanggang ngayon nasa harapan kapa namin nakatayo at buhay na buhay." Nagulat ako sa sinabi ni faye.

"Huh? Namamatay kami? Oh shit! I need to go home ayoko pang mamatay!. Tulungan niyo ko." Natatakot kong sabi sa dalawa hindi ko alam pero bigla nalamang sila natawang dalawa.

"A-anong nakakatawa?." Natatakot kong tanong sakanila.

"Kung isa kang mortal kanina kapa dapat nawalan ng buhay ngunit sa tingin namin ay hindi ka isang mortal at katulad ka namin, baka nakakalimutan mo ate astrid ilang oras kana nandito." And that realization hits me.

Tama si avis but how? Isa ako sakanila? Paano nangyari yon?.

'Isa lang naman ang dahilan binibini iyon ay dahil isa kang earwonians, ngayon malinaw na saamin kung bakit mo kami nakikita ngunit ang nakakapagtaka lang ay kung bakit naiinitindihan mo kami, sino kaba talaga binibini?.'

Bigla nalamang pumasok sa isipan ko ang sinabi ng mga nilalang na yun, earwonians...isa ba talaga akong earwonian?.

Napahawak ako sa ulo ko, hindi ko na alam nakakalito, pakiramdam ko bagong silang lang ako sa mundo at walang alam. Sino nga ba talaga ako? Lumaki ako sa ampunan na walang kinikilalang ama't ina.

Dito ba talaga ako nababagay? Ito na ba talaga ang mundo kung saan ako nabibilang? Dito ko na ba mahahanap ang lahat ng sagot sa mga katanungan na matagal ko nang naitatanong sa sarili ko?.

"Kung ganon baka dito ka nga nabibilang binibini." Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likuran namin.

I turned my head to face the voice of a man who speak just now, but wait?  What did he just said? Nababasa niya ba ang isipan ko?.

The Lost City of EarwoodWhere stories live. Discover now