Verse 5

4.8K 109 43
                                    

"Brandyyy!"

"Ano? Sabay pa lang tayo naglunch kanina miss mo na agad ako?"

Nginiwian lang ako ni Hana saka hinila na ang kamay ko. Papalapit kami sa stage.

Club kasi nila nakatoka magdesign ng stage ngayon para sa continuation ng program bukas. Kulit nga ng school na 'to foundation week nila ang daming ganap na activities, tapos one week talaga celebration. Sa dati ko namang school isang araw lang celebration ng foundation.

Paglapit namin may mangilan-ngilan na nagg-gupit saka nag aayos ng kung ano-ano.

Sabi niya wala siyang kasama? scammer din talaga itong babaitang 'to.
Kung sa bagay mga nahatak niya lang siguro kung saan. Maraming kaclose 'to, it girl ng school.

May iilang pamilyar na mukha akong nakita, sila yung mga kasama ni pogi kanina na River daw ang pangalan. Tinutulungan nila si Hana, malamang napilitan at nahihiya lang tumanggi kay Hana 'yang mga yan. Imagine poporma porma ka pa tapos paggugupitin ka lang ng bulaklak sa art paper.

In fairness panlaman tiyan sila.

"Sabi mo wala kang kasama kaya ka nagpapatulong sakin? Anong tawag mo sa mga yan?"

"Oo nga, they'll leave soon daw, napilit ko lang talaga."

"O ano na ba ang gagawin ko?"

Hinila nanaman niya ako, wala naman akong magawa siya batas dito, baka kapag humindi ako hindi na ako makapunta sa bahay nila masarap pa naman palagi luto don tapos akala mo lagi may fiesta.

"Halika dito, may papakuha ako sayo sa storage room." Naglabas siya ng susi mula sa bulsa niya,
"You know those little lights from last year's program? Those christmas-light-like thing? The color purple one? Can you get that? there are two boxes of those sa storage room.and.. uhm pumili ka na rin ng babagay idesign pa kasama ng mga lights. I'm just gonna buy other materials pa outside."

"Aba'y teka pagbubuhatin mo pala ako ng mabigat sana sinabi mo kanina para nakapag robust man lang ako."

"Robust what?!"

"Sabi nga mahirap ang buhay kaya kailangan mong maging isang tite, dapat lagi kang matigas."

"Brandy what the fuck are you saying nakakadiri ka talaga." Gigil na si hana at namumula kaya tinigilan ko na asarin, nakalimutan ko si Olivia pala yung kagaya kong makalat, tinanggap ko na lang yung susi na inaabot ni Hana.

"Ilang kahon ba yon baka hindi ko mabitbit, ang layo pa naman ng storage room?"

"Kaya nga don't worry may kasama ka naman," bigla siyang lumingon sa stage di kalayuan samin

"River! Here eto na yung may alam ng kukunin sa storage room-

Paglingon ko sa tinawag niya, gagi yung pogi kanina. Mula doon ay yung poging nilalang na mula sa pakikipag-usap sa kasama ay napalingon sa amin.

Kaagad kong kinurot sa tagiliran si Hana kaya napatingin sakin.

"Teka Hana tignan mo nga ako, maayos ba buhok ko? Wait maganda ba ako? Hindi pa ba hulas liptint ko?"

"Ha bakit?"

"Gaga ka ayan o papalapit satin yung pogi hindi mo man lang sinabi sakin!"

Sinenyasan ko siyang tumahimik kasi nakalapit na sa amin si pogi, gago ang lakas ng dating parang hinahatak niya lahat ng energy ko, nakakaubos siya ng lakas ang gwapo. Napa tango ng slight si Hana na parang naalala yung nangyari kanina.

Pinilit ko magmukhang presentable noong lumapit na siya, humarap siya samin ng nakangiti. Pareho naman kami ni Hana na nginitian niya pero bakit feeling ko ang special ko?

"This is Brandy, my friend. Alam niya naman kung ano-ano mga kukunin. Pasensya na River nadamay pa kayo sa pagkabusy ko."

"Ayos lang Hana, hindi naman mahirap."

Nung ngimiti siya halos mawala na yung mata niya parang mabubulunan ako sa sarili kong laway.

"Hi?" Skahsjahakzks mama naghi siya sakin!! Inabot niya kamay ko mama eto na 'to sure na ako.

"Hello, call me lian na lang." sabi ko habang mahinhin na na inabot ang kamay ko at nakipagkamay saka siya nginitian.

Ang laki ng kamay tapos ang bango pa niya.

Pasimple akong nilapitan ni Hana at binulongan.

"Anong arte yan bakit naging mahinhin ka diyan bigla?"

"Sumabay ka na lang, kailangan maganda impression sakin ni crush, reputasyon ko naksalalay dito Hana." Balik na bulong ko sa kaniya habang may inaayos pa si river sa gilid.

"Brandy ha wag ka na gumawa ng kahihiyan katulad kanina, wala ka ng takip sa mukha ngayon."

"Oo na, dali na palayain mo na kaming dalawa punta na kaming storage room."

"Excited ka, here na nga."

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now