Verse 13

3.2K 97 34
                                    

"Masakit pa rin ba? Do you want to go to the hospital na?"

Naluluha pa rin ako, kasi kada hihinga o lulunok saka magsasalita nararamdaman ko yung tinik sa lalamunan ko. Masakit tapos hindi komportable.

Tangina gais eto na yung pinakamahabang 20 minutes na nanahimik ako sa buong buhay ko.

Habang naglalaro pa sila ng uno dun saka pilit nilang chinicheer up si Gian nasa sulok kami ni Hana, sa sofa, kasi natinik ako.

Si Gian grabe para siyang namatayan, hindi naman pala siya nareject nung gusto niya pero ang iminumukmok niya na nagkakagusto na siya ng seryoso kay Kim.

Ayaw daw niya yon kasi wala sa lahi nila yung na-uunder saka nagseseryoso kasi bata pa siya.

Saka pinagmalaki na daw kasi ng papa niya sa mga kamag-anak nila nung reunion na chicboy siya tapos ganto lang

Habang nag-uusap sila, sige naman ako sa pag-inom ng tubig

Makakaisang pitsel na ako hindi pa rin nawawala

Hindi kasi ako sanay sa ganito, hindi naman kasi ako sanay kumain ng bangus na ganon. Dati si lola pinanghihimay pa ako pag kumain ng bangus. Nakakamiss siya, kahit na ganon yon mas matinik yon si lola kesa sa bangus.

"Hindi na hana, tinik lang naman to baka mawawala rin mamaya"

"Eh kanina ka pa naiiyak."

"Okay lang ako, sali ka na sa kanila. Pero Hana, sa tingin mo hindi ba ang pangit non kung namatay ako dahil dito? Anong ilalagay sa cause of death ko sa death certificate?" Tanong ko sa kaniya at mas lalong naluha

Ayoko non nakakahiya naman.

"Ano bang pinagsasabi mo puro ka kalokohan talaga. Kung alam ko lang talaga magtanggal ng tinik na yan Brandy kanina ko pa ginawa, kanina ka pa naluluha."

"Psst Brandy girl!" Medyo pasigaw na sabi ni Andre, andon kasi sila malapit sa sala malayo samin ng konti, nakatingin pala lahat sakin.

"O andre?" Mahinang balik ko.

"Ayos ka pa ba?"

"Buhay pa ako, rawr rawr bitch."
Napatawa sila ng kaunti kaso nakita nila naluluha ako e, "masakit e sorry."

Pagkasabi ko non napatingin tuloy lahat sila kay River na biglang tumayo, may hawak na tubig saka saging galing yata sa kusina ni Avan kanina.

Nakapabilog kasi sila na umiinom don, habang naglalaro nga ng uni cards. Si Andre pinakamaligalig tapos si Avan madalas din di ko maintindihan minsan tahimik madalas weird.

"Hana? Kanina ka pa nila tinatawag sumali ka na daw sa uno, ako na bahala diyan." Gulat tuloy ako nong confuse na tumayo si Hana mula sa pagkakaupo sa tabi ko.

Si River yung pumalit kay hana na umupo sa sofa.

Nakasunod lang tingin ko sa kaniya. Isang beses ko pa lang nakita ngumiti sakin 'to, kahapon lang nung unang pagkakilala namin, ngayon seryoso lagi kapag nakikita ko kasi naiinis ata sa pangungulit ko kanina.

"Tutulungan na kita wag mo akong kulitin ha?"

Grabe yun agad bungad sakin, wala pa nga akong sinasabi.

Tumango na lang ako kasi masakit talaga sa lalamunan.

"Tutulungan lang kita maalis yan, wag kang kikiligin."

Umupo siya as in face to face kami, masakit lalamunan ko pero gais pokpok ako

Kinikilig ako kahit sinabi na niyang wag bigyan ng meaning.

Ang hirap naman kaface to face to, akala ba niya madali sakin to???

"Patingin nga."

"Alin?" Nakatingin agad siya ng masama

Malay ko ba kung yung bangus na kinain ko yung gusto niyang makita?

"Open your mouth, baka kaya naman matanggal yung tinik."

Kahit nahihiya wala akong choice gago buti nagtoothbrush ako bago pumunta dito pero kanina pa yon.

Tinapat niya yung phone niya naka on yung flashlight sa bunganga ko.

"I can't see it, o eto kumain ka na lang niyan, wag mong nguyain diretso lunok."

Inabot niya sakin yung saging tapos nagcut siya ng part non

"Pwede ba yon edi nabulunan naman ako?"

"Just try, baka lang sumama yung tinik pagkanalunok mo yang saging."

Medyo duda ako kaso gusto ko na talaga matanggal yung tinik kaya ginawa ko na lang kaso di talaga keri, nginuya ko rin. Ang hirap naman kasi, gamot nga na tablet at capsule hirap na ako inumin.

"Hindi ko keri."

Bumuntong hininga na lang siya saka lumapit sakin lalo.

"Dito na imassage ko na lang, pag hindi pa kaya padala ka na sa ospital."
No need for the hospital actually, mapipilitan nga lang akong umuwi ng bahay.

Tumango lang ako kasi minamassage na niya yung leeg ko.

Pagtingin ko dun sa mga naglalaro, ganon pa rin sila, naglalaro pa din. Kanina nung tumayo na si River nakampante na yung mukha ni Avan saka Andre e so I'm guessing he knows what he's doing.

"Bakit parang alam na alam mo gagawin mo pag ganito?"

Tanong ko sa kaniya.

"Madalas ako magtanggal ng tinik sa lalamunan ng pusa ko."

"Grabe ha tao ako ba't naman pusa kinumpara mo."

"I'm just messing with you, yung ate ko, pareho kayong hindi marunong kumain ng isda, pareho kayong tanga kaya sanay ako."

Ilang minuto din niya ginawa yon tapos every minute chinecheck niya, tinatanong sakin kung meron pa ba.

Ang galing kasi after 14 minutes lang biglang wala na yung mahapdi. Nawala na agad.

After non sinamahan niya pa ako sa lababo ni Avan para magmumog.

Grabe habang kasama ko siya kanina, kumalma ako tapos ang safe lang talaga ng pakiramdam ko.

Salamat talaga pinagtiisan niya ako

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now