Coda: 198

5.5K 147 70
                                    

"Hindi ba pwedeng 9 na lang tayo pumunta? Di naman agad tutugtog yon sila e."

Kakamot-kamot pa ako ng ulo habang halos kaladkarin na nila ako papunta sa neon grabe na ang oa nila. Nakapambahay pa ako?!

Pink cotton shorts saka white t-shirt lang suot ko ewan ko lang kung papasukin kami sa loob.

"Kumilos ka na nga lang ng mabilis. Saka may kuto ka ba? Kanina ka pa kamot nang kamot ng ulo."

Halos masubsob na ako sa entrance ng neon kakatulak nila sa akin.

Bakit parang walang tao dito sa labas?

Masama kutob ko sa ganito a. Kahit na may naiisip na ako at nagdududa ay sinunod ko na lang sila. Bago tuluyang makapasok sa loob hinila pa ni Olivia ang kinakain kong snickers at nilayo sa akin.

"Ano ba yang kadugyutan mo? Pati plastic ng chocolate. Ninakaw mo pa yata kay whiskey 'to."

Masama ang tingin ko sa kaniya dahil hawak na niya ang wrapper ng snickers, hindi ko pa nadidilian yon sayang.

Pumasok ako sa loob, madilim. Hnihintay ko silang sumunod sakin pero imbis na pumasok sila ay sinara lang nila ang pinto pagpasok ko at hindi ko na nakita kung saan sila sumuot.

"Diretso ka sa stage." Huling dinig kong sabi ni Xochitl.

Teka san galing si Xochitl??

Kahit medyo takot sa dilim lalo na't tahimik at malamig-lamig sa loob ay nag-lakad ako paabante.

Puta ang dilim.

Napa-aray pa ako noong tumama sa lamesa ang tuhod ko dahil hindi ko nakita sa dilim.

Habang papalapit sa stage ay mas lalo kong buong nakikita ang bulto ng isang tao. Kilala ko kung sino iyon, sa upo, sa postura, kabisado ko.

Nasa stage ang nag-iisang liwanag na mayroon sa kalakihan ng neon, para siyang spotlight na nakatutok sa nakaupong si river sa gitna ng stage. May hawak siyang gitara habang naghihintay na makalapit ako sa kaniya.

Dahil sa katahimikan sa buong lugar ang tunog lang ng tsinelas ko habang naglalakad ang maririnig.

Marahan ang pagkakangiti niyang sinalubong ako.

"Hi!" I waved as I remained standing in front of him.

Kumilos siya at inayos ang pagkakaupo sa isang maliit na upuan. Sinabit ng maayos ang gitara niya sa katawan.

It's as if he's performing and I am his only audience.

"Anong gagawin mo?"

"Manghaharana," kita ko ang pamumula ng tenga parang sa kalagitnaan ng ginagawa niya tinubuan siya ng hiya. Like realizations suddenly hit him. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para mapigilan ang ngiti, "I'm sure you've heard this from me countless times but that's because I only sing this song for you."

Peke siyang umubo at umayos ng upo para ikondisyon ang sarili.

And then he started strumming, nakakapanibago kasi acoustic guitar yung bitbit niya. He's a bassist so..

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now