Verse 168

2.9K 68 6
                                    

"Hinintay lang ako non bumitaw." Kanina ko pa kakuwentuhan si Ate Temple, tuwang-tuwa talaga sakin 'to dati pa lang nung college e.

Nagkakilala kami non medyo malungkot-lungkot pa tapos nagkavibes kami nung bentahan ko siya ng macaroons, nung una talaga natakot ako lumapit sa kaniya.

Napagkuwentuhan namin yung drama niya non tungkol sa lalaking iniyakan niya.

Kaya ayan napakuwento din ako, di niya alam tungkol sa kapatid niya. Kung di ko pa makikita buong name niya sa calling card hindi ko malalaman na ate ni river ito.

Hindi man lang kaya ako pinakilala ng bwisit na 'yon, pangit kabonding. Kaya eto sisiraan ko na lang siya sa ate niya, nagkuwento ako nung break up namin pero hindi ko naman sinabi na si river yung kinukuwento ko.

"Aba'y gago!"

Natawa ako sa sinabi ni ate, walang kaalam-alam na kapatid niya yung sinasabi ko. Ang ganda ganda talaga niya. Nung una akala ko masungit at matapobre kasi kamukha niya yung mga mayayaman na babaeng elegante na maldita sa mga palabas. Pero kalog din pala siya.

"Wait sabi mo sakin graduate kang bsa and nakapasa kang cpale. You know what brandy I have an offer." Nakamgiti niyang sabi sa akin.

"Sige ano ba yan basta hindi bastos ate ha." Natawa nanaman siya sa akin.

"Hindi, offeran sana kita ng position sa kompanya ni daddy. Alam mo kasi kailangang-kailangan ko mag-alay ng mga magagaling na workers sa kaniya kasi alam mo na nasa law school ako. Nakakaguilty na hindi ako nakatulong sa kompanya kaya eto ang parang ambag ko na lang kay dad since I can't help him."

"Kaso may trabaho na ako ngayon ate e."

"I know, pero doble yung sahod sa kompanya namin kesa sa pinapasukan mo ngayon. Please short talaga kami ng employee sa accounting department dahil nga may bagong building nanaman kami. Another branch."

Ang yaman shuta nakakaiyak. Normal lang talaga sabihin sa kanila na may bago silang building. Parang gusto kong umiyak ng dugo.

Kung alam ko lang na ganito kayaman si river edi sana nagpalibre ako ng marami sa kaniya non saka pinaarkila ko na lang sa kaniya yung enchanted kingdom nung nagdate kami! Nakipag-away pa ako non sa pila ng vikings!

Ang alam ko lang non e nag-ooffice daddy niya. May kompanya pala.

Nakakatempt tong offer talaga ni ate temple e, kaso hello malay ko ba kung si river pala boss don wag na lang uy.

Di ko keri.

"Ate, pag-iisipan ko." Sabi ko kunyari pero it's a no for me.

"Osige ganito na lang tutal nasa akin na number mo hindi kita susukuan. Irerefer na kita sa coo o kaya kay daddy mismo. Di kita pakakawalan brandy you know di ka magsisisi taas agad posisyon mo samin. Alam ko namang tinanggihan mo ako indirectly pero di ako susuko. I like you so much. Feel ko kapatid kita."

Hahahaha awit.

"Oa naman niyan ate sabi ko pag-iisipan ko."

Nagkuwentuhan kami doon, puro tawanan. Galing daw pala kasi siyang law school, naghihintay na lang ng sundo.

"Gusto mo na bang umuwi? Isabay na lang kita please samahan mo muna ako dito? Ayokong walang kasama kasi antagal ng sundo ko."

"Goods lang sakin ate, wala naman akong gagawin."

"Sige order pa tayo ako magbabayad. Napapasaya mo talaga ako sa kuwento mo."

Totoo nga andami pa niyang inorder na cake kaya nagtatawanan kami don hanggang sa mapatingin siya sa glass door at nagliwanag ang mukha.

"Andito na pala ang magaling kong kapatid, pinaghintay pa ako nakakainis sabi ko bilisan pagsundo e."

Nanlaki ang mata kong tumingin sa kaniya. Puta tama ba narinig ko? Akala ko boyfriend niya yung susundo sa kaniya?!!!

"Ate?!!! Bat di mo sinabi?" Late na para makatakas ako. Edi sana kanina pa ako tumakas. Ayoko na talaga makita to si river e.

Ewan ko kung bakit pero ayoko talaga e tanginang buhay.

Nagpapalpitate yata ako sa kapeng nainom ko, nakatalikod ako sa direksyon ng glass door kaya hindi ko nakikita pero sure ako papalapit na si river.

Siya lang naman kapatid niya e.

"Bakit antagal mo?" Mataray na tanong ni ate sa nasa likuran ko, ramdam ko ang paglapit nito sa akin kahit nakatalikod ako.

"Bakit ano ba ako driver mo?" Nakumpirma ng pamilyar na boses na yon ang hinala ko. Lalo pa noong naamoy ko rin ang pabango niya. I know that smell, I know that smell damn.

Ayoko humrap shit.

Nagtataka naman na tumingin sa akin kasi nakaupo lang ako sa upuan at hindi tumitingin sa likuran habang nakatayo siya sa harap ko.

"Ayaw mo bang sumabay na lang sa amin brandy?"

"Brandy?" Biglang lumapit sa puwesto ko si River kung san niya ako makikita para yata tignan kung tama ang hinala niya.

'Surprise!'

Sumalubong ang mukha niya sa akin kaya tumayo ako para harapin siya kasi parang ang rude ko naman. Gulat na gulat pa siya.

"Lian" Pag-uulit niyang bati sakin.

Nakakabwisit yang lian lian na yan.

"H-Hi hehe."

"Wait.. you know each other? Kilala mo kapatid ko?"

Harap sa akin ni ate temple, bakit ba ako kinakabahan? Siguro kasi binackstab saka tinokshit mo kapatid niya sa harap niya kanina brandy hello boba ka talaga ang tanga mo bakit di ka pa pinatapon sa gitna ng pacific ocean.

Tanging 'Ha' lang yung nasagot ko kay ate temple mabilis na lumilipat yung tingin niya sa pagitan namin ni river parang nag-aaanlyze ambilis pa naman mag-isip nito saka matalino to e

Lumapit siya kay river tapos nakita kong kinurot niya sa tagiliran si river saka binulungan na rinig ko naman.

"Pano mo nakilala si brandy umayos ka sakin river, sabihin mo yung totoo o malilintikan ka." Grabe nakakatakot siya, mag-aabogado pa ba to? Nakakatakot, ang galing magbanta e.

"Bakit ba pakialame-ARAY! Fine, girlfriend ko dati!" Sabi niya kahit ako ramdam yung kurot ni ate temple.

Nanlalaki yung mata ni ate temple napatingin sakin. "My god siya si Liquor girl?"

"Mag-ex kayo?" Gulat na sabi nito, amputa naman nakakahiya "teka sandali.. don't tell me?-river mag-uusap tayo punyeta ka."
Baling ng tingin niya kay river tapos ay lumipat sakin, bumulong

"Eto bang gagong to yung kinukuwento mo kanina sakin?"

Shit hindi ko alam yung sasabihin, nakatingin samin si river na nagtataka.

"I'll take that as a yes. Humanda sakin tong punyeta na 'to, hindi ka man lang pinakilala sa akin." Good luck River, pagpepray na lang kita mukhang galit ata si ate. Dasal lang, dasal na lang siguro talaga.

"Pano kayo nagkakilala?" Tanong samin ni river, hindi ako sasagot diyan. Di naman kami goods.

"Pake mo?"

"I was just asking."

"Wag mo kong maganyan naiinis ako sayo."

"Ah mga kababayan." Pagsingit ko sa kanilang dalawa ang dalawamg kamay ko ay nakataas para bang nagbabasbas. Baka mag-away na e. "Chill lang tayo, di dapat ganyan ang bonding. Pero kasi ate uuwi na ako, dala ko kotse ko babye." Kumaway ako at mabilisang umalis doon sa lugar.

Baka maipit ako sa away ng mag-ate na parang kasalanan ko ata. Rinig ko kasi yung sermon ni ate temple kay River nung palakad ako paalis.

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now