Verse 43

2.8K 64 12
                                    

Brandy Lian Vergara
10:32 PM

Brandy:
Ahsuwbwidhusba

Di ko inakala na magchchat ulit ako dito

Kinikilig aq tangina haha🥰

Kakahatid lang ni Reber sakin sa unit ko

Kanina pagkababa ko sa bintana sinalubong niya ako sa baba muntik na ako mahulog, tapos andon pala siya sa ilalim, nakaflashlight yung phone niya sa bababaan ko, at inalalayan ako

Kahit na tinatawanan ako kanina pababa ng bintana kinilig pa rin aq

Tapos sabi niya sasabay na daw siya kasi bibilhan niya si Avan ng cardboard buti bukas hanggang 11 yung bookstore malapit samin

Tas nagdiretso kami sa beben, sabay kaming kumain ng burger steak ba yun saka ng noodles, nung babayaran ko na yung akin inagaw niya sabi niya siya na lang daw baka daw bentahan ko siya ng macaroons pag hindi e

Ewan ko anong connect

Nagkuwentuhan kami about sa performance nila na pinanood ko kanina, kahit na medyo naiinis pa din siya sakin kapag bumabanat ako, napagtiyagaan naman niya

Tapos habang kumakain ako ng noodles bigla siyang tumayo akala ko iiwan na ako pero pumunta siya sa likod ko tapos kinuha yung panali ko ng buhok na nasa wrist ko, tinali niya yung buhok ko

"Ang dugyot mo naman kumain pati buhok mo balak mo pang nguyain."

Sabi niya hehe

tapos bumalik sa puwesto niya para ipagpatuloy yung pagkain, nakatitig ako sa kaniya habanag kumakain kami, di na niya ako tinignan non

Tangina gusto ko na siya pakasalan

Tapos habang pauwi, wala ng tao sa daan

Naglalakad kami ng sabay, nakapajama na kaya ako saka tshirt na malaki kasi matutulog na dapat, siya naman nakapantalon pa din kasi galing yata sa lakad

Kakapit sana ako sa braso niya habang naglalakad kaso masyadong maganda yung moment para sirain ko

Tahimik lang kami habang naglalakad ng magkatabi, walang ibang tao sa daan, tapos yung buwan lang yung tanging saksi

First time ko maging kalmado kasama siya haha, pero yung puso ko parang sasabog.

Masaya pa rin ako saka kinikilig

Kahit na nung paghatid niya sa labas ng unit ko sabi niya

"You know what i think we can be cool as friends, if only you'll treat me the same way you treat andre and the rest of the quantum."

Siyempre di ako pumayag, suwerte naman niya

Dapat special treatment future husband ko no

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now