Verse 56

2.7K 60 3
                                    

Brandy Lian Vergara
12:35 PM

Brandy:
Awww

Nakakalma dito

Habang kumukuha kami ng aerial shots, nakaupo lang kami habang inaadmire yung view

Deserve naman namin magtagal saka namnamin yung tanawin kasi ang hirap kaya umakyat!

Hindi naman siya mataas kaso alam niyo yung path papunta, paikot siya kaya natagalan

1:17 PM

ASJSNSIEN

Nagkuwentuhan kamiiii

Bigla kasi naming napagkuwentuhan yung family ko dito tapos natanong niya kung bakit parang close na close ako kay lola

Ayon napunta tuloy sa life story ko

Actually si mom nabuntis siya nung 18 pa lang siya, pinagbuntis niya ako. Unexpected.

College si mama non, bata pa tapos pangarap niya maging doctor, classmate niya si daddy kumbaga bunga ako ng expired na pills HAHA

Hindi ba alam ni mama yung gagawin niya, hindi pa siya ready na ilet go yung pangarap niya, 2nd year sa medtech pa lang sila non

Pagkapanganak sakin iniwan nila ako ni papa kay lola, siya yung nagpalaki sakin habanh pinagpatuloy nung dalawa yung pag-aaral nila

And then the rest is history, kahit na nagkaron na ako ng dalawang kapatid ayaw ko na umuwi non kila mama

Ngayong senior high lumipat na ako kila mama para makasama sila, after all they're my parents

Kaso parang hindi ako tanggap ni Wine :((((

Kung sa bagay wala naman ako nung lumaki sila ni whisky tapos eto ako ngayon susulpot para manggulo

Okay naman kami nila mama e, parang tropa ko sila ni papa

Close naman kami, hindi ako nagtatanim ng galit sa kanila nung hindi pa nila ako kayang suportahan nung pinanganak ako

Ang saya-saya ko nga na pinili nila yung pangarap nila pareho, nagtagumpay sila

Kasi hindi ko alam kung matatanggap ko yung sarili ko kung ako yung naging dahilan kung bakit hindi nila naabot yung pangarap nila

Ang cutee ni river makinig sakin magkuwento HAHAHAHA



Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now