Verse 139

2.3K 61 18
                                    

Reber Ko <333
12:03 AM

Brandy:
River

Babe

I miss you

River:
Hi there babe

I miss you too

Hindi talaga kita makakausap ng matagal ngayon may tinatapos lang akong project hindi ko kasi nagawa dahil sa gig kanina sa tagaytay

Can I just talk to you tomorrow?

Puntahan kita ng 3 we'll eat sa rohan's corner

Brandy:
Really?

Sige bukas na ako magkukwento goodnight

Nag-on lang naman ako para makausap ka, I should be sleeping rn

River:
Good night babe

Sweet dreams

I'll sleep later

2:37 PM

Brandy:
River

Susunduin mo ba ako o kita na lang tayo sa restau?

2:45 PM

River:
Restau babe? Para san?

Oh shit nalimutan ko

Pero tuloy tayo, wait mo na lang ako don

Brandy:
Are you sure?

River:
Yes tuloy tayo

I'm sorry

---•---
Angelica
4:37 PM

Angelica:
Brandy eto yung mga ppt ng lesson kanina na hiningi mo

Brandy:
Oy salamat talaga

Hulog ka ng langit

Akala ko babagsak nanaman ako sa recit bukas

Angelica:
Hoy alam ko nagbebenta ka ng macaroons pero girl magreview ka diyan

Bumagsak ka daw kay Sir Jake? Tange major yun a

Brandy:
Kaya nga e

Buti kumapit pa yung 1 point kaya todo habol ako ngayon

Naiiyak na nga ako sa stress HAHAHA

Dasal dasal na lang, pabalik balik rin kasi akong tarlac

Angelica:
Osige chat ka lang pag may ppt kang gustong pasend

Saka kahit anong matutulong ko ha

Brandy:
Salamat gel labyu! :)

---•---
Brandy Lian Vergara
5:00 PM

Brandy:
Hindi ko alam babalik rin ako dito sa pag chat sa account ko after almost 2 years :)

At hindi nanaman maganda yung balita ko, hindi ko na alam kung kanino mag-oopen up kasi may kani-kaniyang problema mga kaibigan ko, mga taong nakapaligid sakin

Ayokong manggulo

Akala ko makakausap ko ng matagal ngayon si river kasi finally magdedate ulit kami after almost ilang weeks na walang pagkikita ng maayos

River anong nangyari sa atin? We were okay paano umabot sa ganito?

Kaya ang saya ko kagabi nung sinabi niya na may date kami sa restau

Ang sakit lang kasi bigat na bigat na ako tapos yun na lang excitement ko pero nalimutan pa niya

Madali na lang ba limutan kasi ganon lang? I know you're busy rivs pero ako rin, I'll make time pa rin para sayo

I wanted to tell you that kanina

Pero nung nakita kita umurong nanaman, ang saya mo kasi e

Sisirain ko ba?

Tapos ayon wala pa tayong dalawang oras na magkasama inagaw ka na agad sakin ng schedule mo

4:21 umalis agad siya, naiwan nanaman ako

Gusto kong magsumbong river

Ang bigat bigat na ng nararamdaman ko

Bumabagsak na ako sa subjects, si lola pabalik balik sa ospital, yung pag-aaral ko, yung macaroons, delivery tangina bigyan niyo ako ng pahinga

Sawang-sawa na ako di pa ba maubos tong mga luhang to

Sinasadya ba ng pinsan ni gab na ganon yung tugtugan sa resto?

Once upon a time we had it all, somewhere down the line we went and lost it

Gustong-gustong-gusto ko na magsumbong sayo at umiyak pero hindi pwede, ayokong sumabay kasi alam kong pagod ka sa uni, pagod ka sa banda kasi finally sumisikat na kayo

Miss na kita rivs, miss ko na yung river ko

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now