Mga Alagad ni Andre
4:45 PMDous:
YooooRiver
Cyd
Asan kayo andito ako sa hideout wala akong makalaro ng table tennis
Cyd:
Akala ko kasama mo si Gab saka si Gi?Dous:
Tutok lang sa phone si gab habang nakahilata sa sofa wala namang kuwenta toGab:
Gusto mo ba bumaon sa lalamunan mo lahat ng ping-pong balls diyanDous:
Si gi bano maglaro parang pader lang din kalaro koButi pa nga yung pader nababalik yung tira ko
Si Andre naman sinundo yung kapatid sa kindergarten
Cyd:
Si Ave?Dous:
Umuwi yata sa bahay nila, kinukulit na yon ni titaKayo ba akala ko wala kayong gagawin?
Cyd:
Andito kami sa bahay nila brandyGab:
As in bahay? Kasama pamilya niya?Cyd:
Oo hinatid kasi namin, diba nga last time may nangyaring masamaKaya eto sinabay namin ni Rivs, uuwi pala
Dous:
Gago anong ginagawa niyo diyan?Cyd:
Ewan, makikikain kamiSaka may handa, birthday yata nung kapatid ni brandy
Gab:
Tanginang yan patay gutom talaga nakikain paAndre:
Oyy ba't di kayo nagsasama?Gab:
Di napagalitan si brandy? Kayo kasama di pa naman kayo mukhang katiwa-tiwalaAndre:
I second the motionRiver:
Ang kapal ng mukha mo andre ikaw mukhang sanggano sating lahat ditoCyd:
Ang bait ng pamilya niyaWala yung papa niya, mama lang andito tapos ang astig ng mama niya
Parang tropa tropa lang ni brandy, tapos ang bait pa samin para din kaming tropa ng mama niya
Andre:
Tignan niyo na parang magkakasundo kami niyan ni titaBat di niyo ako sinama!!!
Cyd:
Next time dre, nabanggit ni brandy na may banda tayo, punta daw tayo anytime tapos pagluluto daw tayoGab:
Di man lang kayo marunong mahiyaAndre:
Masamang tumanggi sa grasyaCyd:
Doctor pala pareho magulang ni Brandy, gulat akoMukha ding yayamanin
Gab:
Eh bakit kung magtinda si Brandy ng macaroons walang palyaTapos pilit pa niyang sinasabi na mahirap lang sila
Andre:
Oo ngaPURO PALIBRE PA YANG BABAENG YAN
Cyd:
Strong independent woman daw siya HAHAHAHATuition saka pambayad sa apartment lang daw hinihingi ni brandy tas allowance galing niya sa binebenta niya
Dous:
Di talaga kayo punta dito sa hideout?Cyd:
Wait tapusin ko lang tong pagkain koSaka hintayin ko si Rivs tapos diretso kami diyan
Gab:
Hinatayin?Cyd:
Kinausap niya yung kapatid ni BrandyDous:
Wine?Cyd:
Oo tungkol siguro don sa nangyari last time kay BrandyPinigilan ko naman e kaso pagsasabihan lang naman daw niya
Gab:
Sabihin mo wag niyang masyadong pagsabihan
YOU ARE READING
Faded In Your Last Song
Teen FictionEpistolary River Gohan dela Rua QUANTUM LEAP SERIES "You're the kind of danger I'm willing to take."