Verse 149

2.8K 74 3
                                    

"Nak usog ka nga yung puwet ko di kasya, alam mo na sexy ang mama mo."

Umusog ako palayo sa pinto ng kuwarto, binabalik ko na kasi mga gamit ko sa room bigla naman siyang pumasok.

Minsan pa naman ang hirap kausap nitong mama ko.

"Bakit kasi andito ka pa ma? Nag-aayos lang ako ng gamit."

"Tutulungan kita, bawal ba?"

"Wala ba kayong duty sa ospital ngayon?"

"Siyempre nag file ako ng leave kasi sasamahan kita."

Nilalabas ko yung mga books ko mula sa bag nong pinigilan ni mama yung kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin, umupo siya sa kama ko tapos tinapik niya yung tabi niya.

"Bakit nanaman ma?"

Tamad akong sumunod sa gusto niya, umupo din ako sa kama.

"Wala ka bang sasabihin sakin?"

"Wala naman."

"Itatanong? Alam ko madami kang gustong malaman. Akala mo ba hindi nagsusumbong sakin tita brenda mo."

Nagulat naman ako kaya napatingin sa kaniya, hindi naman siya mukhang galit.

"Sumbungera talaga si tita."

"Ano na dali, sasagutin ni mama."

"Wala naman akong galit sa inyo ni papa e, naguguluhan lang ako. Bakit-

Hindi ko pa natutuloy yung sasabihin ko pero naluluha kaagad ako kaya yumuko na lang ako at tumingin sa mga hita ko, kapag kay mama ako tumingin maiiyak ako.

Miss ko na si lola.

"Ma bakit hindi ako sapat para sa inyo ni papa para mag stay?"

"Brandy hindi totoo yan, alam mo ba araw-araw pagkatapos ng klase ko umiiyak ako. Kasi gustong-gusto kitang puntahan saka bawiin kay mama. Araw-araw nag-aaway kami ng papa mo kasi gusto ka naming makita."

May nilabas siyang box don at naglabas ng mga pictures, puro pictures ko nung baby. Ang dami.

"Hindi na namin alam pano magpapatuloy non, madalas kami mag-away parehong pagod sa school parang mali lahat ng desisyon namin. Pero pag nakikita namin yung mga pictures mo na pinapadala nila brenda samin bigla na lang kaming magiging okay. Siguro kung wala ka samin ng papa mo wala na kami baka matagal na kaming hiwalay o di kaya sumuko na kami sa pangarap namin. Ikaw na lang pinaghuhugutan namin ng lakas para sa lahat ng laban namin non," inangat niya yung mukha ko para makita niya, saka may inabot saking picture ko medyo bura na.

"Ayan nabura na nga 'yang isang 'yan kakaiyak ko n'un gabi-gabi, pag nakikita kita naiisip ko gagawin ko 'to para sayo. Tutuparin namin ni papa mo 'yung pangarap namin para bigyan ka ng magandang kinabukasan. Kasi hindi namin kaya kapag may hiningi ka samin na bagay at hindi namin mabigay baka mabasag yung puso ko. Kahit nga pag umuuwi ng Tarlac natatakot ako na kargahin ka kasi first baby kita sobrang halaga mo sa mga mata ko."

Nag-umpisa na akong maiyak, humihikbi ako ng mahina.

"Hindi ko kailangan ng pera ma, kayo ni papa yung kailangan ko."

"Sorry 'nak, patawarin mo kami ni papa. 'Yun 'yung mali namin, gusto namin hindi kayo mahirapan ng mga kapatid mo sa pag-aaral, na kayang kaya namin magprovide ng pangangailangan saka gusto niyo, ikaw pala kayang kaya mo sarili mo. Lumaking matapang anak ko, independent ka, proud ako na napag-aaral mo sarili mo pero nasasaktan ako nak kasi ano ng role ni mama sa buhay mo kung ganon?"
Ngumiti siya sa akin sandali, minsan lang mukhang seryoso si mama kasi madalas kung di mapang-asar palabiro pero ngayon nakikita ko na meron akong magulang, may mama ako.

"Alam mo ba kahit na kaya ka na naming kunin kay mama hindi ko magawa, nahihiya ako sayo anak saka kitang-kita ko ang saya ni lola mo non nung nasa kaniya ka, non na lang sumaya si mama simula nung namatay ang papa kaya hindi kita makuha-kuha kahit gustong gusto na kitang makasama. Gustong-gusto ka niya, nila brenda saka nila tito mo paano kita kukunin? Parang tinanggalan ko naman sila ng kasiyahan, akala ko mas gusto mo sila. Hindi ko alam na nasasaktan ka din."

Hinahagod ni mama yung buhok ko habang dahan-dahan akong umiiyak.

At least may sagot na sa mga tanong ko diba? Yun lang naman hinihintay ko.

"Ikaw diba dapat magkuwento ka naman kay mama."

"Anong ikukuwento ko?" Sabi ko habang sumisinghot. Pangit ko pa naman umiyak sabi ni River.

River- tangina bigla na lang lumakas hikbi ko pagkaisip ko sa kaniya.

"Mama si River."

"Bakit kayo naghiwalay ni river?"
Bigla na lang akong napayakap kay mama saka lumakas 'yung iyak ko kasi bigla bigla na lang bumalik sakin lahat.

"Ma." Sabi ko habang humahagulgol, para akong bata na hindi ininvite sa birthday party ng kalaro na nagsusumbong kay mama.

Naiisip ko pa lang na hindi ko na magagawa yong mga gawain namin ni River parang sinasaksak ako sa puso.

"Dapat pala magpasalamat ako kay River, first time ko maramdaman na nagsusumbong ka na nanay mo."

"Ma naman e."

"Kawawa ka naman, nagising ba si river at narealize na hindi ka pala kagandahan? Pasensya na mas marami ka kasing namana sa papa mo."

"Maaa" iyak ko habang nakayakap sa kaniya, ang lakas ng trip ng mama ko.

"Joke lang, ang sakit sakit kasi ng iyak mo e pinapatawa ka lang."

Ilang minuto kaming ganon hanggang kumalma ako at humina yung hikbi.

"Ma sabi niyo nahirapan kayo ni papa n'on? Paano niyo nakayanan ibalance?"

"Samin ng papa mo isang dahilan meron kaming ikaw, tapos bukod don siyempre hindi kami papayag na hindi nadadala sa usapan. Mataas kasi pride ko pero pagdating sa relationship namin pareho kaming nag-aadjust. Papa mo n'on pagod na pagod kakaintindi sakin pero kapag siya naman yung kailangan kong intindihin binababa ko talaga yung pride ko, ako yung nanliligaw. Takot ko lang na mawala pa siya sakin. Saka baon ko mga pangaral ni lolo saka lola mo."

"Sa'yo pala ako nagmana. Alam mo ma akala ko kami ni Eiver pareho ni lolo saka lola pero hindi nagwork e. Ngayon parang alam ko na pinagkaiba namin. Si lolo pala mas higit niyang mahal si lola pareho na mas lamang love ni papa sayo kesa ikaw sa kaniya."

"Hoy bastos ka, mahal ko papa mo."

"Pero mas mahal ka niya, kung hindi baka iniwan ka na non lakas kaya ng topak mo."

"Bastos ka. Kung wala na kayo ni river edi kalimutan mo na nak, andaming lalaki diyan, reto kita sa anak ng friend ko pogi."

"Ma naman e. Hindi naman madali kalimutan si river."

"Lah bat umiiyak ka nanaman?"

Sinubsob ko nanaman yung mukha ko sa unan saka humikbi ulit, ano ba yan akala ko tapos na ako umiyak. Tulo sipon na ako e.

"Ma wala na sakin si river, sino na magsasabi sakin palagi na maganda ako?" Umiiyak na sumbong ko kay mama

"Nako malabo yata talaga mata non ni River, sinabi niya talaga yon?"

"Wala na akong reregaluhan ng mga gamit na makikita kong maganda. Wala ng dates every saturday, ma si river ko."

"Edi kami nila papa mo. Andito kami o. Love ka namin." Pinunasan niya yung mukha ko napuno ng luha, "Halika may papakita ako sayo."

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now