Verse 27

2.8K 82 38
                                    

Brandy Lian Vergara
4:01 PM

Brandy:
Bakit nakakapagod?

🙃🙃🙃

Gusto ko lang namang maging masaya

Tapos dadatnan ko dito sa district si Dana saka si River na magkatabi tapos masayang nagkukuwentuhan?

May pahampas hampas pa ng braso habang tumatawa

Nagsubuan pa ng cupcake tangina may kamay naman si river bakit kailangang subuan?!!

Di naman yan baldado!

Masakit na nga yon e

Parang namang wala ako dito

Di naman ako nagbibiro nung sinabi kong gusto kita rivs

Bakit wala kasing sumeseryoso sakin

Putangina anong dinadada ko wala naman akong karapatan

4:09 PM

Di tuloy ako makafocus

Pinipilit ko namang makinig kay Xochitl kaso si Wine naman

Dito sa harap ko mahirap tignan, may nagsusubuan tapos pag humarap ako sa kabilang table yung kapatid ko naman na nagskip ng klase para sa frat niya yung makikita ko

Ang bigat naman sa dibdib, pagod na nga ako magbenta ng macaroons, ubos na yung energy ko

Alam ko namang hindi ko kasamang lumaki si Wine saka si Whisky e

Galit na galit sakin si Wine, gusto ko lang namang maging ate sa kanila bakit parang huli na

Actually wala naman sakin yung magbibiyahe ako mula bahay hanggang school araw araw kahit pa madaling araw ako gigising kaya ko yon

Kaso ayaw naman ng kapatid ko na nasa bahay ako, siya naman non yung aalis sa bahay

Kaya kahit mahirap mag-isa na uuwi sa apartment pinilit ko sila mama na pumayag na mamuhay ako mag-isa

Kahit na pag uuwi ako gusto ko may dadatnan na mag-aalaga sakin gaya ni lola

Kahit na gusto kong may pupuri sakin pagtapos ng nakakapagod na buong araw sa school

Kaso ayokong pahirapan yung kapatid ko

Kasi hindi na nga ako naging ate na lumaki siya tapos dadating ako bigla sa buhay nila mama para guluhin sila

Miss ko na si lola

4:13 PM

Kaya din siguro hindi ko magawang tigilan si River

Kasi pag nakikita ko siya sumasaya ako, pag nakukulit ko siya kahit papaano nakakalimutan ko yung pagod

Pagod sa school, pagod kakabenta, pagod sa pakikipag-away kay wine

Pagod na mag-isa sa bahay

Pero paano naman yan yung energizer ko hindi ko kayang matignan ngayon

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now