Verse 179

3K 63 2
                                    

Pulis Pangkalawakan
8:44 PM

Olivia:
Brandy kalma HAHAHAHA

Brandy:
Kalmado ako

Xochitl:
"Sinong sumuntok sayo dali sabihin mo gugulpihin ko!"

Yeah calm

Olivia:
San banda yung kalmado diyan?

Susugod ka na nga e HAHAHAHA

Brandy:
Bakit ba kasi nagkasugat yon sa mukha? Sinong sumapak?

Nagbanyo lang ako saglit may bangas na

Olivia:
Malay namin

Pag-alis mo para magbanyo umalis din tapos ayon pagbalik may pasa na

Hana:
Yiieee concern kay river

Brandy:
Di tayo pwedeng pa-agrabyado

Nabangasan mukha niya siyempre, ang gwapo gwapo kaya ni river tapos mamaya pangit lang pala nakasapak sa kaniya

Lugi tayo ganon

Xochitl:
Doesn't make any sense but, okay

Tatanggapin namin

---•---
Quantum Leap
8:51 PM

Andre:
Hoy river san ka ba kasi galing bakit may bangas na yang mukha mo?

Tara balikan natin

Gab:
Gigil tuloy si brandy HAHAHAHA

Dous:
Ang tapang akala mo makakasuntok siya, sa liit niyang yon

Gian:
Dos anong akala mo kay Brandy

Di mo ba alam may pinaiyak na lalaki yan nung grade 11

Dous:
Ha? Pano?

Andre:
HAHAHAHAHA

May nambabastos ata kay Via non kaya umiyak si via

Ayon si brandy yung sumugod di nila napigilan, tapos nabalitaan na lang namin umiyak yung taga gas

Travis Avan:
Mga gago taga gas non e

Dous:
Hingi ka resbak rivs

River:
Lumpo na yon bakit pa ako hihingi ng resbak

Gab:
Pag may nakakuha ng video sikat ka nanaman bukas niyan

Andre:
Tatlong oras ka ulit sa office ni manager luluhod ka sa munggo

Cyd:
Bakit kasi naisipan mong makipagbasag ulo?

River:
May binantayan nga

Gian:
Kanina pa yan sa may binbantayan binabantayan na yan

Gab:
Anong binabantayan mo?

Travis Avan:
Kelan ka pa naging guard?

Andre:
Ahh kaya pala

Kaya pala nakita ko palabas ng bar yung lalaking nakapula kanina sa tabing table natin, umiika-ika saka may pasa yung mukha

Gian:
Sino ba yon?

Andre:
Ewan ko din

Tanong niyo kay River HAHAHAHAHA

---•---
Pulis Pangkalawakan
9:57 PM

Olivia:
Ay ang tapang

Xochitl:
Mabenta ka ngayong gabi brandy

Hana:
Paanong hindi siya mapapansin tumungtong ba naman sa mesa saka nagheadbang

Ang sexy mo pa naman ngayon

Brandy:
Ikaw kaya nagbihis sakin!

Sabi ko na kasi sa bahay na lang ako

Olivia:
Gaga binigay mo talaga number mo sa nanghingi?

Hana:
He's brave huh

Lumapit pa talaga dito sa table natin para sayo, sa dami ng kasama nating lalaki dito

So binigay mo nga?

Brandy:
Hindi a

Number ni wine yung binigay ko

Olivia:
Gago ka talaga HAHAHAHA

Xochitl:
Kaya laging inis kapatid mo sayo e

Brandy:
Yaan mo

Textmate sila HAHAHAHA

Di pa ba tayo uuwi? Ang lakas na ata ng tama ko gusto ko na sumayaw don sa baba

Hana:
My god no

---•---
Quantum Leap
10:12 PM

Andre:
Gago uwi na tayo kanina pa masama tingin ni river

Travis Avan:
Mukha na siyang papatay

Gab:
Ang pangit mo magselos rivs

Cyd:
Tama na selos number naman daw pala ni Wine yung binigay hindi yung kaniya

Gian:
Mabuti pa umuwi na tayo ayain ko na sila Hana

Baka mamaya lang tatlo na bangas sa mukha niyan

Andre:
River

River:
Ano

Andre:
Keep up the good work

Pinapasaya mo ako

River:
Hindi kita type

Cyd:
HAHAHAHAHAHA

Andre:
Tanga

Basta ito ang tunay na bonding

#layag

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now