Verse 26

2.8K 66 6
                                    

Brendon Wine Vergara
3:14 PM

You are now connected on messenger you can now message or call each other

Brandy:
Brendon

Brendon:
Oh napachat ka?

Himala

Hulaan ko may kailangan ka no?

Brandy:
Wag ka ngang sarcastic

Anong ginagawa mo diyan?

Brendon:
Bakit ano bang ginagawa niyo dito ng mga kasama mo?

Edi ganon din kami

Kumakain

Brandy:
Brendon naman ilang beses ka na sinabihan ni mama

Bakit ang tigas ng ulo mo pinipilit mo yang gusto mo

Ano yan na lang gusto mo sa buhay?!!

Magrebelde?!!

Kahit minsan naman bawasan mo yung sakit sa ulo nila mama, saka maging responsable ka namang kuya kay whiskey!

Brendon:
Wow I'm surprised alam mo yan

Ikaw kelan ka ba namin naging kapamilya?

Wala kang pakialam sa gusto kong gawin sa buhay brandy

Brandy:
Diba may pasok ka?

Please wag ka ng sumali diyan sa frat na yan

Wala namang madudulot na maganda yan

Mapapagalitan ka nila papa, mapapahamak ka pa

Alam ko galit ka sakin pero wine, madadamay sila mama diyan

Kahit hindi ka na maging mabuting kapatid sakin, maging mabuting anak ka naman please

Brendon:
Ano bang pake mo

Sino ka para pagalitan ako

Kung gusto kong sumali ng Nion wala ka na don

Brandy:
Wag mong hintayin na ipadala ka pa nila papa sa tarlac para lang magtino ka

Brendon:
Bakit?

Kami naman ni Whiskey ipapatapon niyo kila lola para wala ka nanamang responsibilidad?!

Di ka namin kailangan ng kapatid ko

Magpakasasa ka diyan sa lalaking gusto mo na hindi ka naman gusto

Wag mo akong pakialaman

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now