Verse 182

3.3K 82 28
                                    


"Sa drinks na tayo."

Tinanguan lang ako ni River 'saka tahimik kaming naglakad patungo sa aisle ng mga inumin.

Buti may ministop dito, kaso halos 15 minutes din biyahe namin kahit nakakotse na.

Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa ngayon na patapos na kami mamili.

Mag-uusap lang kami kapag may tatanong tungkol sa list ng mga dapat bilhin. Sobrang dami kasi. Mabuti na lang mabilis ako sa mga ganito.

Habang nasa alley kami ng mga inumin nadaanan namin 'yung mogu-mogu, madalas ko 'yon bilhin dati nung senior high saka college kasi gustong-gusto ko n nginunguya 'yung mga nata pag nagrereview.

Ang kinuha ko lang e 'yung mga in can na drinks dahil 'yun lang 'yung nasa listahan pero si River huminto siya ron sa linya ng mogu-mogu kaya huminto rin ako, siya nagtutulak ng cart e.

Kumuha siya ng tatlong bote non, sakto pa sa pink na favorite flavor ko.

"Ilan gusto mo?" Napatingin siya sakin bago niya ilapag yung mga yon.

"Oy baka kulangin tayo sa budget."

Sakto lang yata kasi pinadala nilang pera sa dami ba naman ng bibilhin, wala naman akong dala na pang-abono.

"Ako magbabayad."

"O-Okay na 'yan." Tinanguan niya ako saka nagpatuloy na kami don.

Hindi ako magsisinungaling, biglang nanikip yung dibdib ko bigla. Kahit naman na ayoko kusa ko na lang naaalala yung pag nagg-grocery kami non, pag naubusan akong stock sa unit.

Almost every 2 weeks siya kasama ko, halos siya na nga magbayad n'on e pinapagalitan ko lang.

Gago talaga sila xochitl, sigurado ako sila nanaman may pakana na kaming dalawa ni river yung mag-grocery.

Habang padaan kami sa mga chocolates nahagip ng mata ko 'yung nutella mabilis akong nag-iwas ng tingin nung nakita kong nakamasid sakin si river.

Gago to kapag nakita niya kasing tinignan ko yung kung ano bigla na lang ilalagay sa cart. Gustong-gusto niya gumastos. Pag-aralin niya na rin kaya mga kapatid ko saka siya na magbayad mg kuryente namin.

"River." Pagbabanta ko kasi gusto nanaman niya talagang kunin 'yung nutella e hindi ko naman mauubos yon, hanggang bukas lang kami sa gazebo.

"Let me."

After namin don sa grocery pinasok kaagad namin yung mga pinamili sa kotse akala ko nga uuwi na kami kaso inaya naman niya ako sa mcdo. Mabilis lang naman daw. Medyo kasi natagalan kami sa pamimili. Malapit na magdilim.

Dahil di ako masyadong gutom burger saka fries lang inorder ko. Ganon rin sa kaniya.

Sabi ko take out na lang o kaya drive thru kaso ayaw niya. Ayan tuloy ang awkward magkaharap kami sa table.

Kanina pa siya nakatingin lang sa'kin, ang lakas talaga ng loob di man lang makaramdam na kitang-kita ko.
Para iwas awkwardness binuksan ko kaagad yung burger saka kinagatan kaso nakakadistract talaga kanina pa kasi siya nakatingin sa akin.

Hindi nakakatuwa

Habang ngumunguya inialok ko sa kaniya yung burger na hawak ko kasi nakakailang ikaw kaya titigan habang kumakain.

"Uhm, gusto mo?" Abot ko sa burger. Tumango naman siya saka kinuha sa kamay ko yung burger na may kagat ko na.

Gago, 'di man lang tumanggi.

"Wag na 'yan, eto 'yung sayo wala pang bawas-

Bago ko pa matuloy yung sasabihin ko kumagat na rin siya sa burger ko.

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now