Verse 193

3.5K 105 44
                                    

"Sino 'yan?" I shouted, hoping na marinig ng kumakatok.

Nagtalo pa kami ni Wine kung sino magbubukas ng pinto.

Sino ba kasing bisita ni mama bakit 8 ng gabi bumibisita?

"O anak."
Dinig kong sabi ni mama doon banda sa may pinto.

"Wait lang ma."

To my surprise hindi pala ako 'yung tinawag na anak. Because as soon as I got near the door si mama na may hawak na sandok saka si River ang naabutan ko.

Si river nakayakap kay mama, medyo nanginginig pa na parang umiiyak.

"Mama." Rinig kong sumbong niya sa mama ko habang rinig ang pagpiyok sa boses. Umiiyak nga.

"Anong nangyari anak? Sinong nagpaiyak sayo?" Tanong naman ni mama ko sa kaniya na parang may inaalong bata.

Tangina to nang-agaw pa ng mama.

"Si Lian."

Kaagad na lumipat ang tingin sa akin ni mama saka pinanlisikan ako ng mata.

"Anong ginawa mo rito?" Tanong ni mama sa akin di pa nakuntento kinurot ako sa tagiliran.

"Bakit ako?" Punyeta, sinumbong pa ako sa mama ko, "lasing yata yan e." Sabi ko habang maarteng tinataas ang ulo ni river para tignan. Kinurot na naman ako ni mama.

"Aray ma! Hindi ko naman inaano yan."

Napakamot pa ako sa ulo dahil hindi ko naiintindihan ang nangyayari.

"May kuto ka ba?"

"Lika dito River, kumain ka na ba? Tara pasok ka sa loob."

Inaya niya sa loob si River na nakayakap pa rin sa kaniya, iniwan ako sa tapat ng pinto. Ako pa tuloy nagsara ng gate.

Naabutan ko si mama doon, sinenyas na lumapit ako saka niya pinasa sa akin si river. Sinabihan pa akong papasukin ko muna sa kwarto ko dahil nga magluluto muna siya, pangit naman tignan kung andon si river sa sofa makita pa ng mga kapatid ko sabihin iyakin siya.

Pagpasok sa room ko saka ko siya pinaupo sa kama ko.

Lasing pa yung gago. Lasing na lasing. Kaya naman pala ganito umiiyak.


Umupo ako sa tabi niya para alalayan ang ulo niya, tinabig ko ang buhok na kanina pa tumatakip sa mukha niya.

"Bakit ka naglasing?"

Nagmulat siya ng mata ng kaunti, ilang segundo siyang nakatingin lang sa akin, maya-maya ay nagtubig nanaman ang mata.

"Lian."

Niyakap niya ako bigla sa bewang kaya natigilan ako.

Gulat na gulat talaga.

tANGINA TAMA PA BA ITONG TIBOK NG PUSO KO.

Maya-maya lang ay naririnig ko na siya humihikbi.

What's wrong with him?

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now