Verse 39

2.9K 68 14
                                    

"I can't wait to see them on stage, I mean- not this kind of stage, I want to see them get huge."
Napatingin ako saglit kay Bona na nakatayo sa tabi ng inuupuan ko, kumikinang din yung mata niya habang nanonood mag set up ng instruments sa mini stage ng cafe yung quantum leap.

Nakaupo ako sa isang table sa gilid, nakakahiya kasi andaming tao banda sa harap buti dito malapit pa din pero di pansinin ng mga tao.

Si Olivia amputek nakitable kay dana kasi mag-isa daw saka nasa harap yung table nila, ayoko namang umupo don kasi hindi kami in good terms duh ayoko makipag plastican.

Pinayagan ko na umupo si Via don kasi kawawa si dana walang prends e, ako feeling close naman kaya goods ako.

Andami ko ngang pagkain dito sa table pano ba naman katabi ko si Bona, siya pala yung anak ng may ari kaya close sila ng fam ni Travis. Pag di busy yung isang tagaserve lumalapit din dito sa table namin ni Bona, kasing edad din namin e parang nagp-part time. Ka-schoolmate din yata namin tong mga to kaso di ko sila madalas makita.

Parehong introvert, pwes gagawan natin ng paraan yan.

"Bona ako nangangawit sayo ba't di ka kaya umupo."

"Ah pasensya na." Ang hinhin saka ang lambot ng boses parang mapapa amen ka.

Napayuko siya pagkaupo sa harapan ko, nahihiya yata e napatitig lang naman ako kasi gandang-ganda ako sa kaniya.

Parang may lahing latina.

"Ang ganda mo girl, may nagsabi na ba sayo? Malamang marami no? Gaga buti na lang straight ako kundi liligawan kita."

Mas lalo siyang namula dahil sa sinabi ko saka hinarap na lang ang mukha ko sa stage habang kagat kagat ko yung tinidor.

Ang hirap naman kasi tumingin sa harap mukha agad nila dana sasalubong sakin.

Kaya pinilit ko na lang itutok sa stage kung nasan sila River yung mata ko.

Napahugot naman ako ng malalim na buntong hininga nung naramdaman kong nagwawala nanaman yung dibdib ko para sa kaniya.

While they're still fixing something on stage River's smiling at andre while ruffling his own hair, his side profile is dangerously attractive, his lips curved up prettily.

Ano kayang pinag-uusapan nila?

Kung kahit minsan man lang maging ako yung dahilan ng ngiting yan magpapafiesta talaga ako.

Ilang sandali lang namatay na yung pinaka main light sa cafe, naging dim na lang tapos nakaayos na sila sa harap.

Pagkarinig ng kumpas ni Dous sa drum niya ng tatlong beses nag start silang tumugtog, nasa kanila lang yung ilaw.

Si Gab yung kumakanta.

Somebody by Justin Bieber.

Throughout the song nakatitig lang ako kay River, pinapanood siya tumugtog.

After ng performance ng somebody napaayos ako ng upo noong binigay ni Gab yung mic kay River.

Tangina opening reber ko.

"Bigla ka nahyper?" Natatawang pansin ni Bona sakin.

"Siyempre reber ko na yan o."
Natawa lang ulit siya sa sinabi ko.

"GO REBER KO!"
Si Bona gulat na gulat kasi napatingin samin yung mga nandon sa cafe, pati sila Andre na bigla namang natawa.

Madilim naman samin kaya di makikita mukha ko.

Kitang kita ko pa ang lakas ng tawa ni Via don sa harap kulang na lang makita ngala-ngala.

Enjoy na enjoy pa ako don tapos nung biglang tumugtog yung intro ng kakantahin ni River literal na napamura na lang ako sa loob loob ko haha, ang saya naman ng tugtog ba't yung lyrics namemersonal.

Nagkatanginan kami ni Bona saka napangiti ng mapait sa isa't-isa, ewan ko ba ba't yun yung initial reaction namin. May pinagdadaanan din ba to.

Why do you build me up
Buttercup, baby
Just to let me down
And mess me around
And then worst of all
You never call baby,
When you say you will
But I love you still

Dumating si Mavis sa table naminnatapos na yata siya magserve, naglagay ng wine sa table, siya na yung nagbukas tas nilagyan kami sa wineglass, pang tatluhan.

Tapos na yata shift niya kasi hindi na siya naka uniform ng pang nagseserve, tumabi na nga rin samin e

I need you more than anyone, darlin
You know that I have from the start
So build me up
Buttercup, don't break my heart

Paano ba ako magsasawa dito kay river? Dapat kasi crush crush lang 'to e

Diba?? Brandy crush lang yan na lumagpas ng isang taon.

Titig na titig lang ako habang kumakanta siya, i would sell my soul just to see him every morning when I wake up.

tangina kung siya sasalubong sakin sa pinto pagkauwi ako na magiging pinakamasayang tao sa mundo. Bawal ba yon huhu

"Bakit kayo parehong nakasimangot diyan?" Tanong ni Mavis oagkaupo sa tabi namin ni Bona.

Uminom naman ako sa wine na hawak ko bago tumingin ulit sa harap kung saan si Avan naman ang kumakanta.

I'll be over at ten
You told me time and again
But you're late,
I wait around and then
I went to the door
I can't take anymore
It's not you
You let me down again

Sabay kami napatingin ni Mavis kay Bona na sobrang lalim ng buntong hininga.

Problema nito?

"Lalim non a, dapat pala gin bilog dinala mo dito mavis." Sabi ko sabay tawa, napatingin sakin si bona saka nahiya, hindi niya yata alam na napalakas yung buntong hininga niya.

"Yan kasi ang aga-aga niyong lumandi kung magpayaman na lang tayo?"

Tangina nito ni Mavis a, nang-aatake.

"Porke may gusto sayo si Gab ginaganyan mo na kami."

Napatayo ako sa sinabi ni Bona at napatingin kay Mavis, kaya hinila niya ako pa-upo, weh? May gusto si Gab kay Mavis? As in gabriel pretty boi silva?

Sana ol.

"Di ah, basta magpapayaman muna ako." Mavis said, namumula naman.

"Wala e, you're in love with the most popular guy in school brandy ang dami mong kalaban medyo mataas yan, babaan natin ng konti."
Dinagdagan ni Mavis ng wine yung baso ko.

Putangina talaga nito kanina pa ako niri-realtalk.

"Wala ba kayong tiwala sa alindog ko?"

"Magtitiwala sana kaso ayun o si Dana yung katitigan."

Paglingon ko don sa harap dahil nga yung table nila via andoon sa harapan madali lang silang makita nila River.

Hinahamon yata ako nito ni Mavis

"PSST RIVER BABY!" Tumayo ako saka kumaway don sa stage.
Nagtinginan lahat ng nandoon sa sigaw ko, kakatapos lang kumanta ng quanli, magra-wrap up na sana kaso napatingin sila dahil sumigaw ako.

Wala akong paki kahit pa anniversary ng isang kompanya tong event dito.

Mabilis na hinila ulit ako paupo ng dalawa sa tabi ko saka tinago yung ulo namin sa labas ng lamesa, tawang-tawa ako habang hinahampas nila akong dalawa.

O diba walang intro-introvert sakin.

"Why do you keep on embarrassing yourself?" Para kaming tanga na nagtatago sa ilalom ng table, hiyang hiya si Bona.

"Anong embarrassing, hinahamon ako ni Mavis e."

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now