Verse 52

2.8K 71 8
                                    

Mga Alagad ni Andre
9:03 PM

Andre:
Ako lang ba o parang nakakaantok na?

Ang aga, 9 pa lang

Diba dapat namamahay ako

Dous:
Maybe because it's so peaceful and quiet here

Kaya parang ansarap din maagang matulog

Gian:
Sinong kasama niyo sa kuwarto?

I'm with gab and cyd, hindi ako makaayos ng higa hindi mapakali si gab tayo ng tayo tas pabalik balik sa kusina

Dous:
Katabi ko si Andre, then River and Travis are roommates

Cyd:
Ah magkasama nanaman yung magjowa

River:
Kanina pa tulog si Avan

20 hours yata tulog to sa isang araw

Dous:
Sure ka bukas pupunta kang bundok?

River:
Hmm

Ayos lang, I've been to worst

Cyd:
Yun nga lang wala kang kasamang maligalig non

River:
Pag nainis ako ihuhulog ko na lang siya sa bangin

Andre:
Ang sama nito

Buti talaga hindi ako sumasama sayo maghiking

River:
Hindi naman kita aayain

Gian:
Aww hahahaha

Andre:
ANG!!!SAMA!!!NIYO!!!SAKEN!!

Inaano ko ba kayo

Gab:
Maganda siguro kung ipunin mo na lang sa sarili mo yung mga opinyon mo sa buhay

Gian:
Pero kita niyo ba kanina sa kusina? Nung nagluluto si Brandy saka lola niya?

Cyd:
Oo na-inggit ako bigla

Parang gusto kong hukayin lola ko sa puntod niya

Gab:
Hoy, kilabutan ka nga pag dinalaw ka talaga non iyak ka diyan

Cyd:
Di naman ako matatakutin

Andre:
Manood nga lang ng conjuring di ka na makaihi mag-isa e, papasama ka pa ulol

Cyd:
Point ko kasi nainggit ako kanina kay lola saka kay brandy!!

Tangina ang sweet, nakatanday lang yung ulo ni brandy sa balikat ng lola niya habang naghihinay ng sitaw

Gian:
Tapos puro i love you pa sila, pag naglambing akong ganon sa mama ko sa kusina, babatuhin lang ako ng kawali non

Cyd:
Cute cute ni Brandy

Gab:
Brandy is such a sweetheart, kita naman sa trato niya sa lola niya

Andre:
Hoy akala ko ba may mavis ka

Ipaubaya mo na yan kay river

River:
??

Bat nasali ako diyan?

Gab:
Sinabi ko lang na sweet si brandy

Wala naman akong sinabing gusto ko siya???

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now