Verse 135

2.6K 62 37
                                    

"Lian, gising."
Tumalikod ako, nagpalit ng puwesto ng pagkakahiga.

"Hmm sabado ngayon."

"Oo nga pero 8 na."

"5 minutes."

"Kanina ka pa 5 minutes nang 5 minutes babangon ka o ako pa magpapaligo sayo?"

Kunot noo akong humarap sa nanggigising sakin, sumalubong yung maamong mukha ni River.

Bakit ba to andito? Bakit nga ba kasi binigyan ko ng spare key to?

Tumulala muna ako ng ilang sandali bago tuluyang magising ang diwa, automatic na nagform ng smile yung labi ko nung narealize ko na si river nanaman yung bumungad sakin pag gising. I touched his face, hindi ako nananaginip.

Kung ganito every morning edi laging buo araw-araw ko.

Ganito siya every saturday, gigising ako na mukha niya yung una kong makikita sa unit. Every sunday kasi nasa bahay ako.

Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa tuwing nakikita ko siya, siya lang naman kaligayahan ko sa araw-araw kasi nasa tarlac si lola.

"Good morning." Nakangiti kong bati nag-iinat habang nakatitig lang sa mukha niya na nakaabang saking gumising.

"Good morning lian, you look pretty."
Kaya mas lalong lumalakas confidence ko e.

Araw-araw mga random times na bigla niya akong sasabihan ng maganda ako.

"Pwedeng matulog ulit ako?" Paalam ko kaso hindi naman ako makabalik sa puwesto ko, humarang agad.

"Di ka ba nagugutom?"

"Hindi."

"Kain na tayong breakfast luto ka na. Gutom na ako"

"Tulog muna ako 15 minutes pa."
Medyo paos pa boses ko kasi nga inaantok pa ako.

"Gutom na ako, magluto ka na. Lian, lian, lian, lian nagugutom ako." Nagmamaktol nanaman, ilang taon na ba 'to? Ang laking tao parang bata.

Kahit na gusto ko pa talagang matulog inalog-alog na niya ako, hindi talaga ako patatahimikin nito kapag hindi kami nag-almusal. Ayaw pa na kakain kami sa labas lagi na lang nagpapaluto.

Abusado na to ha may mga kasama naman sila sa bahay na nagluluto.

Wala naman akong nagawa kundi kumilos na kasi makulit talaga mag-iinarte pa yan na parang bata pag hindi napaglutuan.

Kumain kami ng almusal as usual, saturday either lalabas kami o dito lang sa unit ko manonood ng movies kadalasan comedy.

Pagkatapos ko maligo nakapaghugas na siya ng pinagkainan pumwesto na kami sa sofa para manood ng movie.

Kapag ganito kami magkatabi sa sofa he would always hug me burying his head on my neck. Love language na siguro niya. He shows his love physically, he's actually clingy. Madalas nakatanday paa niya sakin o kaya kahit na hindi kami magkatabing upuan pero nasa isang mesa basta kahit sapatos na lang niya didikit sa sapatos ko.

Ang cute niya, lalo na pag nagtatampo. He'd get sulky tapos kailangan mo siya ihug.

Tapos sinanay niya akong ganito kaya hindi ko kakayanin kung mawawala sakin 'to.

"Ay teka sandali, habang naghihintay ako sa mall sayo nung may gig ka may binili ako." Tumayo ako at kinuha yung binili kong cap para sa kaniya. Tumakbo pa ako kasi excited na akong ibigay sa kaniya.

Alam ko kasi mahilig siya sa sumbrero. Simple lang naman, half white tapos half black na my ring na bakal sa dulo. Pagkakita ko sa cap siya kasi agad naalala ko.

Bumalik ako at tumalon sa sofa sa tabi niya.

Kinuha niya sakin yung paperbag saka agad binuksan, pagkakita nga sa cap napangiti agad sakin.

"Pagkakita ko niyan sa shop naalala kita."

"Thank you lian, alam mo kung ano type ko ha."

"Siyempre alam ko taste mo, ako nga type mo e."

We laughed.

"This is your first gift sakin na cap."

"Oo nga no?"

"Kaya hindi ko pwedeng laging suotin."

"Ha? Binili ko nga yan para suotin mo e."

"No, too precious para gamitin araw-araw. Saka na, sa first concert ng Quantum leap susuotin ko to promise."

"Hala dapat nandon ako hehe, sana makapirma na kayo sa record label no? Dumadami na rin nakakakilala sa inyo e. Saka para marelease na mga kanta niyo."

"Hmm I can't wait too, magpperform kami sa harap ng maraming tao but I'd only look at you." Napalingon ako sa kaniya, natatawa naman siya. Korni kasi.

"Gago to kawawa naman fans niyo."

"Ayaw mo ba?"

"Hmm siyempre gusto." Lumingon ako sa kaniya at kumapit sa leeg niya. "I want to be with you hanggang sa makamit niyo na yung pangarap niyo, hindi lang ikaw pati nila Andre. Alam niyo naman bilib na bilib ako sa inyo e."

Natutunaw yung puso ko habang masaya siyang nakatitig sakin habang binabanghit ko yung pangarap nila.

"I love you Lian."

"Love you reber babe ko."

*****

A/N

Guys di niyo ba napapansin masyado na silang masaya sa isa't-isa hindi pede iyon. Wala dapat masaya sa mundo cHAR HAHA

BIRTHDAY NG MORK LEE BABY Q ASHSHJSSBUWL

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now