Verse 31

2.8K 67 14
                                    

Reber Ko <33
2:53 PM

Brandy:
Psst Reber ko

Sa tingin mo pwede na 'tong mga delata na nakuha ko?

River:
Bakit dito pa tayo nag-uusap

Nasa kabilang aisle lang ako

Brandy:
Kasi sabi mo pag di ako tumigil kakabanat ite-tape mo bibig ko

Tapos ako magbabayad pantaxi

Eh pag nasalita ako puro banat lumalabas sa bibig ko e, tapos wala akong pera pantaxi😭😭

Nagtitipid ako

River:
Okay..?

May nahanap ka palang news paper sa labas kanina?

Brandy:
Wala

Pero may magazine, ayun bibilhin ko dapat pero binigay nalang sakin nung nagtitinda di na pinabayad

Natuwa si manong sakin kasi kinantahan ko siya ng magasin

River:
Really?

Nagandahan siya sa boses mo?

Brandy:
Hindi

Natuwa siya kasi ang lakas daw ng loob ko kumanta kahit sintunado

Uy tumawa siya

Kita ko yon mula dito

River:
Dalhin mo na dito sa cart yang napili mo

Brandy:
Okayy po

Ay reber

Sa tingin mo magtatagal pa tayo dito? Saka kila Hana?

River:
Bakit?

Brandy:
Hindi pa ako nakakapagsaing

Wala akong kakainin mamaya

River:
Papahatidan na lang kita kay Avan ng kanin mamaya sa unit mo kung yan lang inaalala mo

Brandy:
Talaga?

Thank you

Pero marunong ba magsaing yon?

Baka mamaya puro tutong

River:
Mahilig siya sa tutong pero di ka naman niya bibigyan ng ganon, magaling sa kusina yon

Brandy:
Pansin ko nga

Hubby material yun no?

Parang ansarap din niya mag-alaga

River:
Tigilan mo

Brandy:
Selos ka naman kaagad

Don't worry mas masarap ka

River:
What?

Brandy:
Joke medyo rated spg pala

Basta ang point ko wag ka magselos, ikaw lab ko

River
Sinong nagsabing nagselos ako

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now