TPOSL 1

5.2K 204 13
                                    

ASHIANNA'S POV

" Anak!! Gising na baka malate ka pa!! " sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

" Opo!! Gising na !! " Pabalik kung sigaw sa kanya.

Bumangon na ko mula sa pagkakahiga,una kong hinanap ang phone ko at tinignan ang oras.
6 am palang naman pala ng umaga eh Alas-otso panaman ang pasok ko.Sabagay di ko din naman masisisi si Mama,eh sa mabagal kumilos ang lola nyo eh.

Ako nga Pala si Ashiana Blythe Elyse Perez, Haba ng name ko no'h,But you can call me Ash for short.

Naghanda na ako at bumaba para makapag-almusal.Andoon na si mama at mukang tapos na kumain.

" Lika na anak kain na " Sabi ni mama.As usual naka bihis nanaman sya.

" Ma, san lakad? " Tanong ko habang palapit sa lamesa.

" Ay oo nga pala mga anak nakalimutan kung sabihin sa iyo na ngayon ang alis ko, papunta sa ibang bansa " Meron kasi kaming kompanya at aalis sya para daw sa business meeting nila.

" Ha!! eh kakadating nyo lang po dito noong nakaraang linggo ah, tas aalis kana agad? " angal ko,eh totoo naman kasi eh,kakadating nya palang tas aalis nanaman sya.

" Pasensya kana anak ha, babalik din naman ako , Andyan naman ang kuya Dark at Kuya Ace mo eh "

" Fine, pero alam mo naman na malaki ang galit sakin ni kuy- este ni Ace di ba? " Ayaw ni Ace na tinatawag ko syang kuya,ewan ko ba don.While, si Kuya Dark naman eh para naming tatay,pero pinsan namin sya ni Ace,yupp magkapatid kami ni Ace,wala na kasi si papa naaksidente sya kaya ayun,isa na sya sa mga stars sa langit.

" Pagpasensyahan mo nalang ang Kuya Ace mo anak. Sige na aalis na ko Bye love you ingat kayo ha,At saka nakapagpaalam na ko sa dalawa mong kuya "

" Opo Ma, Ingat ka din Labb Lotss "

Sakto namang pag alis ni mama,eh ang pagbaba nila kuya Dark na nagtatawanan pa.Sige na sila na na happy.Minsan inggit ako sa kanila,pano ba naman kasi eh kami ang magkapatid ni Ace pero silang dalawa ang close sa isa't- isa.

" Good morning " Bati ko sa kanila.As usual,inirapan lang ako ng magaling kong kapatid.Binati naman ako pabalik ni kuya Dark.Astig din ng name ni kuya Dark eh, bagay sa kanya lalo na pag galit sya,Mafefeel mo talaga na ang Dark.

Nagsimula na kaming kumain.Nakakabingi ang katahimikan.

" Ngayon na ang araw ng klase nyo,at mag tino kayo,Lalo ka na Ash transferee ka pa naman at umiwas ka sa gulo.Ace bantayan mo kapatid mo"
Hindi ko masisisi si kuya,tuwing may mangaaway kasi sa akin eh talagang ginagantihan ko.Mabait ako sa Mabait,masama din ako sa masama.Syempre para Same vibes kami.

" Bantayan? ano yan bata? Tsss. " kitams? sabi sa inyo eh may galit sakin yang kapatid ko.
15 yrs old na ko while si Ace is 18 na, 3 years lang ang agwat ng edad namin.4th year student din kami parehas.Si kuya Dark?Sya na ang CEO ng kompanya ng Dela Cruz. 25 yrs old na.Magkaibang Section kami ni Ace,Section Sun kasi sya habamg ako naman eh Section Luna.

●●●●●●●
AN:
Sooo Yoww guys,whatchu think about my story?
Beginner palang ako so pagpasensyahan nyo na.Anyway Highway,sana nagustuhan nyo kahit papano ang First Chapter ng Ating Story.
Wag nyo po kalimutan na mag vote😊.
Stay Safe Everyone.

Please Vote and comment
💜Thank you💜

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now