TPOSL 38

2.1K 100 11
                                    

ASHIANNA'S POV

Natigil ako sa pag sisi sa sarili ko ng maramdaman ko na basa ang leeg ko hanggang balikat ko.
Gumagalaw din ng pataas baba ang kanyang mga balikat na nag papatunay na sya ay umiiyak.

Umiiyak na naman ang kuya ko.

Tahimik lang syang humihikbi habang nakayakap padin sa kin.

" Shhh....It's ok kuya" pabulong ko na sabi sa kanya habang hinihimas ng isang kamay ko ang likod nya at ang isang kamay ko naman ay nasa may ulo nya at hinihimas-himas din ito. Napakalambot ng buhok nya.

Inaamoy-amoy ko din ito at hinahalik-halikan sya sa kanyang ulo at pisngi habang patuloy pa din sya sa pag-iyak.

" Tahan na kuya..Ok lang yan...Andito lang ako."
sabi ko sakanya.Maya-maya pa ay naramdaman kung bumibigat na ang paghinga nya kaya naman hinimas-himas ko ang buhok nya para mas makatulog sya.

" Dito lang ako kuya,di kita iiwan" bulong ko sakanya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.

Nang magising ako kinabukasan ay wala na si kuya Ace sa tabi ko,baka kumakain na sya sa baba.
Naligo muna ako at nag suot ng uniporme bago ako bumaba at kumain.Maaga pa naman kaya hindi ko kailanan mag madali.

Himala din na ang aga ko nagising ngayon eh mga alas-kwatro na ako ng madaling araw nakatulog kagabi.

3 hours lang ang tulog ko kung ganon. Kaya pala medyo nahihilo pa ako pag tayo ko kanina.
Pakiramdam ko din tuloy ay para akong nalutang.Kahit palagi naman talaga akong lutang.Pero iba itong ngayon feeling ko kasi lumulutang pati katawan ko.

Pagkababa ko ay naabutan ko na sila kuya Ace at Mommy na kumakain.

" Good morning anak" Binati ko din pabalik si Mommy at hinalikan sya sa pisngi.Dumapo ang tingin ko kay kuya Ace na papikit-pikit pa ang mata at kunti nalang ay makakatulog na sa mesa.

Hinalikan ko nalang din sya sa pisngi na bahagya nya pang ikinagulat.

Pagkatapos namin kumain ay nag toothbrush muna kami.

" Mom,may gagawin ka po ba ngayon?kung wala pwede pahatid muna kami at di ko talaga kaya mag drive" pakiusap ni kuya Kay Mom.

" Sure,wala naman akong gagawin ngayon eh.Atsaka ano bang nangyari sa inyong dalawa at mukha kayong mga sabog.Ang lalim pa ng eye bags nyo. Mygosh!! Mukha kayong mga zombie!!" Mahabang sabi ni mommy pero parang di ko manlang narinig at naintindihan ang sinabi nya dahil sa antok.

Kasalanan ito ng kwarto ni kuya Dark eh.Tinakot kami.

Tatanongin ko sana si Mom kung umuwi ba si kuya Dark kagabi kaso mamaya nalang.Parang tinatamad pa akong ibuka ang mga bibig ko.

Nakarating din agad kami sa school at mukhang totoo nga ang sabi ni mommy na para kaming zombie ni kuya dahil lahat ng makakasalubong namin sa daanan ay naiwas.

" Good morning Ash" sabay-sabay na bati ng mga buwan sakin.Nasa labas lang sila ng room namin habang sukbit-sukbit ang mga bag nila.

" Morning" walang ganang bati ko din sa kanila.

" Anyari sayo Ash?May sakit kaba?" tanong ni Alastair.

" Oo nga Blythe,mukha kang zombie" sabi naman ni kuya Xyndrix at sumangayon naman din ang iba sa kanya.

" Yeah,they're right.What did you last night?" tanong naman ni Shio habang naniningkit ang mata.

" Wala naman,nakipag-hide and seek lang naman kami sa multo." mahina kong sabi sa kanila dahil pakiramdam ko hinang-hina ako.

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now