TPOSL 41

2K 85 11
                                    

ASHIANNA'S POV

Walang tao sa bahay kundi ako at si kuya lang.Si mommy naman nasa work nya pa.Habang si kuya Dark di pa din dito nauwi,baka doon na sila sa bahay nila talaga.

Di man lang nag paalam sa akin.

Diretso ako sa kwarto ko dahil alam ko na masesermonan nanaman ako sa hindi ko matukoy na dahilan.

Nagpaalam naman kasi ako kanina noong kumain kami sa labas kaya di ko talaga alam kung bat sya galit sakin.

Lumabas muna ako ng kwarto ko para pumunta doon sa kwarto ni kuya Ace muka kasing andon pa sya sa baba eh.Dumiretso na ako sa walk-in Closet nya at kinuha yung unang T-shirt nya na nakita ko.Buti color white.

Di na ko magkakaroon ng tine na pumili dahil baka maabutan nya ko.Pagkatapos kong gawin ang pakay ko doon ay bumalik na ako ng room ko at nag-shower saka ko sinuot ang damit ni kuya Ace na ninakaw ko ulit sa damitan nya at nag maong short.

Sobrang komportable kasi ako sa damit nya ang laki-laki kasi sakin tapos gustong-gusto ko pa ang amoy nya.Napaka-bango.

"Ashianna bumaba kana at ng makakain na tayo" tawag sa akin ni kuya.Hindi nya ako Tinawag na pwincess o kaya baby huhuhuhu.Galit talaga sya sakin.

Sinunod ko nalang ang utos nya at bumaba na ako.
Naabutan ko sya na naka-upo na doon sa upuan nya ako naman ay doon nalang pumwesto sa harap nya para di nya ako madali maabot.Namimingot pa naman yan.Mukang hindi nya pa napapansin na ninakaw ko nanaman ang damit nya.

Good Yun

Sinimulan ko nalang din kumain kagaya nya.Anong oras kaya uuwi si mommy?Andito na nga sya sa bahay pero masyadong gabi naman na sya kung umuwi.

Naalala ko naman yung napanaginipan ko noon sa Hospital.Di ko matukoy kung memory ko ba yun o sadyang bad dreams lang.

Gusto ko sana ikwento kay kuya yung tungkol kay kuya Bravo kaso baka pagalitan ako nyan.

Natapos ang pagkain ng walang imikan,pati ang mga katulong namin na dumadaan ay nag tataka.
Bumalik nanaman kasi ang pagkatahimik ng bahay.

Umakyat nalang ako at naglinis ng kwarto ko.Nag aral na din ako kahit saglit lang para naman kahit papano ay may laman itong utak ko.Mahirap na baka bukas ay may pa surprise quiz nanaman kami.Pagkatapos ay dumiretso na ako sa pag tulog.

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

Nagising ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko pero naka-pikit pa din ang mga mata ko.Naramdaman ko ang paglubog ng higaan sa tabi ko.Hindi ko alam kung anong oras na.

Akala ko si Mommy lang ito katulad ng palagi nya na gina-gawa dati nung bata pa kami ay hinahalikan nya kami sa noo bago sya matulog.

Pero nagbago ang akala ko nang himasin nang kung sino ang buhok ko.Mabigat na magaspang ang kamay nya.Sigurado akong lalaki ito at hindi ito Kuya Ace. Imposible din namang si Kuya Dark ito dahil hindi nya ugaling pumasok ng kwarto ng kung sino-sino.

Nagsisimula na akong matakot bumibilis na din ang tibok ng puso ko pero nagbago yun noong narinig ko ang mahina nyang hikbi tila ba pinipigilan nya ito upang hindi ako magising.

Hinalikan nya ako sa noo at ilong ko saka sya humiga sa tabi ko at niyakap ako.Hindi ko alam pero mayroon atang sariling isip ang mga braso ko at yumakap din sa kanya pabalik.

Malaki ang katawan nya ramdam ko iyun dahil nga sa naka-yakap ako sa kanya,idagdag mo pa na napaka-higpit ng yakap nya na tipong ayaw nya akong pakawalan.

Sobrang komportable ako sa bisig ng lalaking ito.Kahit hindi ko sya kilala paki-ramdam ko ay may kung ano sa akin na biglang nabuo.Para bang wala nang kulang.

Hinayaan ko na lamunin ako ng antok habang hinihimas-himas nya ang aking buhok.

Ala-singko na ng magising ako wala na yung katabi ko pero salamat kung sino man sya dahil napaka-himbing ng tulog ko.

Bumangon na ako at doon ko lang napansin na naka-kumot na ako at may yakap-yakap na unan.Hindi naman kasi ako nag kumot kagabi noong natulog ako,malamang ay kinumutan ako ni Mr,Stranger.

Nag ayos nalang ako sa sarili ko at kumain kahit masyado pang maaga.Hindi pa nga gising si Kuya eh.Sinilip ko na lang muna ang kwarto ni Mommy kung andoon ba sya.

Nakita ko syang natutulog sa kama nya kaya naman nilapitan ko sya at kinumutan saka ko sya hinalikan sa pisngi.

Sunod ko namang pinuntahan ang kwarto ni kuya at naabutan ko naman sya doon sa higaan nya na natutulog na parang star-fish.

Asan si Spongebob at Squidward?

Hinayaan ko nalang sya at baka magising.Hindi sya ang pinunta ko dito sa kwarto nya kundi ang susi ng sasakyan nya.

Kinuha ko iyon bago dahan-dahang lumabas ng kwarto nya.Pumunta ako sa kusina kung saan kumakain ang mga maid namin.

" Mga ate pag hinanap po ako ni mommy at kuya sabihin nyo umalis na po ako ha" sabi ko sa kanila habang may nakaka-lokong ngiti.Tanging pag tango nalang ang naisagot nila sa akin habang umiiling-iling.Mukang alam na nila na may balak na naman akong kalokohan sa buhay.

Dumiretso ako sa sasakyan ni kuya at nag tago doon sa backseat. Sinigurado ko na hindi nya ako makikita.
Sa liit ko na ito madali akong nakaka pag tago kung saan-saan.

Hindi din ako palaging nauuntog,yun ang kagandahan kung maliit ka. Pero ang mahirap naman doon ay hindi mo maabot yung mga bagay na naka-lagay sa taas kagaya ng mga box ng cereals na naka-lagay doon sa top shelves.

Di ko alam kung ilang oras na akong nag hihintay kay kuya pero nakita ko na lang sya na naglalakad papunta na dito sa kotse nya.Hindi din naman nya ako makikita sa labas dahil tinted ang mga bintana nya.

Papasok na sana sya doon sa drivers seat ng mapansin nya siguro na naka-bukas ang kotse nya.Iniwan ko naman yung susi doon sa may front seat para kunyari naiwan nya hehehe.

Mukang pinagsawalang bahala nya na lamang ito at pumasok na.Umayos muna sya ng upo at kinabit ang seat belt nya.

Mayroon syang kinakalikot na kung ano sa ilalim ng kotse nya kaya naman naisip ko na ito na ang mgandang pagkakataon para gulatin sya.

1

2

3

" BOO!!!!"

🌙- Luna

Please Vote,Comment and share my story,THANK YOU!!

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now