TPOSL 9

2.5K 120 3
                                    

ASHIANNA'S POV

*// FLASHBACK//*

Unti-unti kong idinilat ang mata ko,puro puti.Nasa langit na ba ko?

Pero nakarinig ako ng pag bukas sara ng pinto kaya naman agad kong inilibot ang paningin ko.Doon ko lang napansin na may mga nakakabit na mga kung anong aparatus sakin,meron ding makina,di ko alam kung anong tawag dito,basta ito yung nag sasabi kung buhay ka pa ba.

" Anak,kumusta kana?may masakit ba sayo?ok ka lang ba?teka tatawag ako ng doktor" puno ng pag aalala ang boses ni mama habang tinatadtad nya ko ng tanong,di ko naman magawang magsalita dahil may kung anong bagay na nakalagay sa may ilong at bibig ko.

Nakita ko din si kuya Ace,at si Tita Aemie.Ang sama ng tingin sakin ni kuya Ace,habang si tita naman eh tinanggal muna ang nakaharang sa may bibig ko para makapag salita ako,saka sya nag paalam nabibili muna ng makakain.Kaya naman naiwan kami dito ni kuya Ace.

" Kuya,A-asan a-ako?bakit m-may ganito?"tanong ko kay kuya Ace habang tinuturo ang mga kung anong naka-tusok na karayom sa kamay ko.Takot ako sa karayom,ayoko nito.

Pero imbis na sagutin nya ang sagot sa tanong ko eh iba ang isinagot nya.

"Simula ngayon wag muna akong tatawaging kuya" malamig na tugon nya sakin.May kung anong kumirot sa puso ko,nag babadya na din ang pagtulo ng mga luha ko.

Mag sasalita pa sana ako kaso dumating na si mama kasama ang doctor.Sige ang pagtanong sakin ng doctor ng kung ano-ano,sige lang din naman ang pag tango at pag iling ko.May sinabi pa sya kay mama tungkol sa kondisyon ko pero wala akong maintindihan.Masyado pa kong bata para maintindihan ang mga ganong bagay.

Kaya imbis na makinig sa kanila ay tumingin nalang ako kay ku-este Ace na galit na nakatingin sakin.Habang nakatingin ako sa kanya ay unti-unti namang tumulo ang mga luha ko at nandilim ang paningin ko.

*//END OF FLASHBACK//*

Noong mga panahon na yun ay ang pagkakakilala ko kay Ace ay pinsan ko sya,pero hindi pala,Noong nag 15 ako doon ko lang nalaman na magkapatid pala kami.Tanda ko pa noon na sabi ko gusto ko mag ka kuya para may mag aalaga at may mag poprotekta sakin kaso impossible pala na mang yari yun dahil ayaw nya sakin.Ayaw nya nga akong maging pinsan eh kapatid pa kaya.

Noon palang sinabi nya na sakin na wag na akong umasa na magkakaayos pa kami at sa panahon din na iyon eh nag sama na kami sa iisang bahay.Pinaampon kasi pala sya noon kaya hindi ko na sya nakikita at nakakasama.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya ipinaampon pero may kutob ako na dahil iyon sakin.

Hanggang ngayon eh hindi ko din alam kung ano ang mga nangyari dati,dahil pag kagising ko noon sa ospital eh wala na akong gaanong maalala.Hindi ko maalala kung anong nangyari bago ako madala sa ospital,Hindi ko maalala ang dahilan kung bakit galit na galit sakin si kuya Ace.

" Blythe!!" kilala ko ang boses na yun ngayon lang nya ulit akong tinawag na ganon.Unti-unti kong inangat ang paningin ko sa kanya doon ko lang din namalayan na kanina pa pala ako naka-titig sa kamay kung dumudogo.

Nakita ko syang tumatakbo papalapit sakin,kasabay din noon ang unti-unti kung pag katumba,pero bago paman ako bumagsak ay nasalo nya na ko.

Kitang-kita ko ang pag aalala nya.May sinasabi syang di ko maintindihan,dumidilim na din ang patingin ko.Pero bago pa man ako mawalan ng malay nagawa ko namang tawagin sya na sya namang ikinahinto nya.

" K-Kuya Ace " mahinang tawag ko sa kanya.

Namiss kung tawagin syang kuya.

●●●●●●●●●
ENJOY READING

Please Vote and Follow
⭐Thank You⭐

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now