TPOSL 35

2.2K 108 21
                                    

ASHIANNA'S POV

" Ate,may naisip ako" sabi sakin ni Sevi.

" May isip ka papala?" agad naman syang sumimangot dahil sa sinabi ko.

" Joke lang,sige ano yun?"

" Alam mo buti nalang naging English yung Math 'no?" sabi nya sakin.

" Oh bat naman?"

" Kasi pag tagalog ate nakakatuyot ng utak.
Example: square root of X raise to the power of ten.
Sa tagalog: parisukat ugat ng ekis,itaas sa kapangyarihan ng sampu." paliwanag nya sa akin.

" Oo nga ano,talino mo Sev" sabi ko sa kanya habang ngiting-ngiti.

" Kayong dalawa puro kayo kalokohan" sabi ni Shio.

" Bakit may point naman si Sev ah" pangangatwiran ko sa kanya habang naka-simangot at si Sevi naman na busy sa pagkain habang nakikinig lang samin.

Napailing nalang sa amin si Shio.
Andito pala kami ngayon sa may park.Wala ding masyadong tao dito di ko alam kung bakit.

Nakaupo kami sa damuhan nila Sevi,Shio at ako.
Ayaw ni Alastair na tumulong kami sa mga dala nilang pagkain.

Mga bata pa daw kasi kami tas si Shio daw mag babantay samin.

Baby sitter ang peg.

Nilatag na nila yung uupuan namin na tela?di ko alam kung ano tawag dyan.
Tas inayos na din nila doon yung mga pag kain na kakainin namin.Sabi nila dito daw muna kami hanggang sa mag sunset.

" Guys" tawag ni Kenji samin.

" Bakit?" sabay naming tanong sa kanya.

" Nag chat sakin si crush kaya lang wala akong maisip na topic" sabi nya sabay hila samin paupo doon sa may tela.

" Tanongin mo sya kung ano favorite nyang brand ng sibuyas" -Sevi

" Tanongin mo kung ilang piraso ng kulangot nakukuha nya sa isang araw" -ako

" Tanongin mo kung ilang butil ng kanin ang nakakain nya sa isang buwan" -Shio

" Tanongin mo kung naliligo na ba sya" - Sevi

" Tanongin mo kung ano favorite number nya sa electric fan " - Ako

" Tanong mo kung ano blood type ng lamok nila" -Shio

" Tanongin mo kung may anak ba nanay nya" -ako

" Tanongin mo kung ilan ang langgam nila sa bahay nila" - Shio

May sasabihin pa sana si Sevi kaya lang pinigilan na sya ni Kenji.

" Hepp,Wag na nga lang.Wala namang kwenta yung mga suggestions nyo eh.Hindi ko pa nga nililigawan yung tao,bad shot na agad ako" sabi nya.Nagkibit balikat nalang kami sa kanya.

" Oh sige na kain na " sabi ni Alastair.

" Wow,daming food" sabi ni Sevi sabay kuha ng fried chicken.

" Oyyy,maya na pray muna tayo.Kahit hindi mahaba" sabi ni Kairo sabay tapik ng kamay ni Sevi.

Isa-isa kaming tinignan ni Kairo at huminto iyon sakin sabay turo.

Umakting naman akong parang nagulat.Nakahawak ako sa may bandang dibdib ko at nagpasinghap effect pa.

Tinaasan nya lang naman ako ng kilay habang ang ibang mga buwan ay bahagyang natawa.

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now