TPOSL 19

2.3K 117 1
                                    

A/N:

Ito na nga po mag u-update na po ako.😆
LeyahAshleyCastro Thank you so much sa pag support sa story ko,I really appreciate it.
And Don't worry itutuloy ko po itong story hanggang sa Ending kaya nga lang once a week lang po ako mag uud because module is layp.
De joke.
Kasi po may modules po ako,sana po maintindihan nyo.
🥺
👉🏻👈🏻

At oo nga pala, 1k reads na tayo!!!Waaaahhhhh!!!!!Kinikilig atay ko!!!!

Thank you ng sobra sa inyong lahat!!!
Sana patuloy nyo akong suportahan hanggang sa huli.
So ayun lang.

Have a Goodnight,Godbless,and ofcourse Stay Safe.Love you all❤❤❤

■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□

ASHIANNA'S POV

Mabilis lang kaming naka-rating sa bahay.Malapit lang naman din kasi tas naka-motor pa kami.

" Dito na kuya.Gusto mo bang pumasok muna?" tanong ko sa kay kuya Xyn.

" Ahh,hindi na sa susunod nalang.Mauna na din ako."

" Sige kuya,salamat sa paghatid ha.Ingat." pag kasabi ko sa kanya noon ay hinalikan nya ako sa noo at nagsimula na din syang paandarin ang motor nya at umalis na.

Pagkapasok ko sa bahay ay parang walang tao, ang tahimik kasi.Pinuntahan ko yung kwarto nila Kuya Dark,Ace,tita at tito.Tulog si Kuya Dark.Wala naman sila tita at tito siguro may pinuntahan.Hindi na ko tumuloy sa kwarto ni Ace kasi parang may narinig ko syang nag salita.May kausap siguro sa phone.

Dumeretso nalang ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan at nagmeryenda na muna.May snacks naman ako dito sa room ko kaya hindi ko na kailangan pang bumaba.

Inayos ko din yung mga ginawa kong notes kanina para kay Ace. Kumuha ako ng manipis na bagong notebook tas inulit ko doon yung mga isinulat ko kanina.I also highlighted some words na kailangan nyang matandaan and I also put some Sticky Notes for the keywords.

Meron din kaming project na sure akong meron din sa kanila kaya naman ginawan ko nalang din sya.Iniba ko nga lang ng design yung kanya para di mahalata.Ginawa ko nadin yung mga Assignments namin.

Maya-maya ay naka-rinig ako ng katok sa pinto ko.

* knock,knock, knock*

" Ash,baba ka muna kain muna tayo."si Tita lang pala.Pagka-sabi nya noon ay tumingin ako sa orasan.7 pm na pala.Hindi ko man lang namalayan.

Pagka-baba ko ay naabutan ko silang lahat sa lamesa maliban nga lang kay Ace.Nagdasal muna kami bago kumain.

" So,hows your Day Ash?" tanong ni kuya Dark sakin.

" Ok naman kuya.San si Ace?"tanong ko sa kanya.

" Andon sa kwarto nya nagpapahinga"

"Ano bang nangyari doon sa kanya kuya,bat andami nyang sugat?" <ako>

" Nagiinom daw sila ng mga kaibigan nya tapos may bigla daw sumugod sa kanila at naki-pag away kaya ayun." <Kuya Dark>

" Tskk"

Pagkatapos ko kumain ay dinalhan ko si Ace ng pagkain sa kwarto nya.Dinala ko na din yung mga Notes,projects,at mga Assignments nya na tapos ko nang gawin.

* knock,knock,knock*

" Come in " mahina nyang saad pero sapat na para marinig ko.Pag pasok ko ay naabutan ko syang naka-higa sa kama nya habang naka-pikit.

" Wag ka na muna matulog.Kumain ka na muna" sabi ko sa kanya, kaya naman bigla syang napadilat ng mata at tumingin sakin.

" What are you doing here?" tanong nya sakin.Halatang pagod.

" Baka maliligo" sagot ko sa kanya kaya agad na nagsalubong ang mga kilay nya.

" Joke lang,syempre para pakainin ka malamang,nakita mo nang may dalang pagkain yung tao eh tas magtatanong ka pa"
sabi ko sa kanya while he just rolled his eyes to me.

" Tayo dyan kumain ka muna" sabi ko sa kanya sabay hila ng kumot nya.Hinawakan ko ang ulo nya at dahan-dahan syang pina-upo at isinandal sa Headboard ng kama.

Parang baby lang,baby damulag.
De joke buti hindi nababasa ng tukmol na to ang nasa isip ko kundi mapapatay ako nito.

" At anong nginigniti-ngiti mo dyan ha" tanong nya sakin doon ko lang din nalaman na kanina pa pala ako naka-ngiti.

" Wala" mataray kong sabi sa kanya pero ang loko tinaasan lang ako ng kilay.

Ahitin ko kilay mo dyan eh,makita mo.

"Tss,baliw"

●●●●●●●●●●
ENJOY READING

HOPE YOU ENJOY
PLEASE VOTE AND COMMENT
THANK YOU
⭐⭐⭐

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now